^

Pang Movies

Mayor Herbert sampung taong nag-training bago naging Heneral!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mayor Herbert sampung taong nag-training bago naging Heneral!

Mayor Herbert Bautista

Sampung taon ang binuno ni Mayor Herbert Bautista bago makamit ang rank niya ngayong Brigadier General o katumbas ng One-Star General. Kahapon, kinumpirma ng Commission on Appointment ang appointment niya sa Senate kasama ang iba pang opisyal ng military.

“It was tough. Mabigat ‘yung dinaanan natin dito. Now, it’s really fulfilling,” pahayag ni Mayor Herbert bago siya nanumpa ng oath niya. Ang malaking challenge na naghihintay sa kanya ay ang bumuo ng kabataan na sumama sa reservists.

“Kailangan maghikayat kami ng kabataan between 18 to 25 years old na pumasok sa reserve, mag-training sila. Every Sunday lang ‘yon sa City Hall. Pagkatapos noon, bibigyan sila ng number, rank para maging official ang kanilang pagiging sundalo. ‘Yung trainin nila, more or less, disaster management kapag may bagyo. Kunwari, pumutok ang Mayor Volcano, pupunta sila roon at tutuong,” pahayag ni Mayor bago namumpa.

Ano ang feeling ng isang One-Star General at suot ang uniporme?

“Una, malaki ang respeto natin sa uniporme dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong makapagsuot ng ganitong uniporme. Naging sarhento muna ako, kapitan, naging colonel then ngayon, one star ge­neral na. Talagang pinaghirapan natin ito. Iba, iba ang feeling!” rason ni Myor HB.

Ayon pa sa QC Mayor, volunteerism ang ginawa niya.

“Unang-una, ang tinuturo sa atin dito, ‘yung pagmamahal sa bayan dahil mahal mo ang bayan mo, mahal mo ang bansa mo, magbo-volunteer ka. The privilege is masusuot mo ‘yung uniporme at bigyan ka ng ranggo na commensurate at bagay sa ‘yo and at the same time, walang suweldo,” saad niya.

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Gene­ral Bato dela Rosa na bagay siyang mayor ng Pilipinas at hindi lang sa Quezon City dahil sa pagmamahal niya sa kapulisan?

“Ang mayor ng Pilipinas, si Presidente Digong. Siya muna!” tugon ni Mayor Bistek.

Sa May 12 ay 50 years old na siya.

“Golden Boy na tayo. Nag-asawa na si Vic (Sotto), may anak na nga, susundan pa yata. Eh, hihintay ko na lang ‘yung bang wala pang asawa. Pag nag-asawa na sila, puwede na akong mag-asawa! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Brig. General Bautista.

Sa kanyang 50th birthday, plano sana ni Mayor na maglabas ng book. Hindi nga lang ito makakahabol dahil kapos sa oras. Tell-all ba ang laman ng libro niya?

“Ha! Ha! Ha! ‘Yung mga pang-ibabaw muna! Saka na na ‘yung kaloob-looban!” bulalas ni Brig. General Herbert na pinagkaguluhan pa rin ng mga tao nang bumisita sa Senado kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with