^

Pang Movies

Heart puro pagpipinta ang ginagawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart puro pagpipinta ang ginagawa

Heart Evangelista-Escudero

Kahit lie-low muna sa kanyang showbiz career si Heart Evangelista-Escudero, ramdam na ramdam pa rin ang kanyang presence via social media dahil sa kanyang mga travel kasama ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero at recently, ang kanyang charity work with Gawad Kalinga kung saan nagluto at nagpakain siya ng maraming kabataan via Kusina sa Kalinga project.

Isa pang pinagkakaabalahan ni Heart habang naghihintay itong mabuntis ay ang kanyang painting exhibit titled In Full Bloom na magsisimula sa March 27 at ArtistSpace, Ayala Museum Annex on Makati Ave. corner dela Rosa St., Makati. Hanggang April 12 ito open sa public.

Unang painting exhibit ni Heart ay noong 2014 titled I Am Love Marie at maraming art critics ang pumuri sa kanyang mga obra. Kaya maraming mga gawa niya ang nabili at naka-display na sa iba’t ibang galleries.

“I think it’s because I’ve found myself and I’m now more sure of the paths I want to take. I have also become more comfortable in baring more of myself and in every decision that I now make, I can go all out and give it all my heart and soul towards full self-actualization,” sey ni Heart na ang medium ay oil and acrylic sa kanyang paintings.

Bukod sa kanyang paintings on canvas, tuloy pa rin ang pagtanggap niya para sa nagpapa-hand-paint ng handbags. Ngayon ay mga hand-painted gowns na ang ginagawa ni Heart para sa designer-friend niyang si Mark Bumgarner.

Arianne tanggap ang mga pagbabanta

Dahil sa top-rating daytime teleserye na Ika-6 Na Utos, nakararanas ang Kapuso actress na si Arianne Bautista ng bashing sa social media.

Nag-share si Arianne ng isang experience on social media na ikinagulat niya ng bongga.

Hindi naman sineseryoso ni Arianne ang mga pagbabanta at sumpa ng mga nagmemensahe sa kanya. Natutuwa siya dahil feel na feel ng mga ito ang mga ganapan sa teleserye nila.

“Gan’un din naman ako kapag nanonood ako ng movies or teleserye, naiinis din ako sa kontrabida pero hanggang doon lang.

“Hindi naman kami nagtatanim ng sama ng loob sa mga ganun. ‘Pag pinag-uusapan ka, ibig sabihin pinapanood ka talaga,” pagtatapos pa ni Arianne.

American TV host na si Carson Daly laging mamamatay ang pakiramdam

Naging open na ang American TV host na si Carson Daly tungkol sa sakit niyang anxiety.

Isa si Carson sa sumikat na TV host/VJ noong ‘90s sa show na MTV TRL (Total Request Live). Hanggang ngayon ay abala pa rin siya sa hosting tulad ng Macy’s Fourth Of July Fireworks, New Year’s Eve with Carson Daly at The Voice. May sariling segment din si Carson sa Today show.

Inamin ng 44-year old TV host na may ongoing battle siya with a disorder called “generalized anxiety”. Nagdadala raw ng panic attacks ang disorder na ito kay Daly.

“Looking back on my life I was a worry wart kid. I’ve been nervous my whole life.

“I had a hard time breathing. I was terrified for no apparent reason,” kuwento pa niya.

Ilang beses na raw siyang naospital dahil sa disorder na ito.

“You feel like your dying. This anxiety has followed me to the playground with my kids and wife. I had to excuse myself in the midst of panic.

“This was the way I was born. This is the way I am hardwired,” diin pa niya.

Marami ang nagugulat na nakakayanan ni Daly ang sakit niyang ito, lalo na sa kanyang trabaho na very stressful kung tutuusin.

“No, I’m good. I seek help in the form of someone to talk to. I see a cognitive therapist.

“I really wear the way I am like a badge of honor.

“This is who I am and I’m proud of it. I may be a little anxious, but I know I’m going to be ok.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with