^

Pang Movies

Bianca gagawing sorpresa ang isusuot na gown sa debut

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bianca gagawing sorpresa ang isusuot na gown sa debut

Bianca Umali

Last time pa lang nag-celebrate ng bonggang birthday si Bianca Umali ay noong seven years old pa siya. Ang mga sumunod na birthdays niya, mga family dinner na lamang kaya ngayong she’s a debutante ay tinupad niya ang dream na magkaroon ng grand debut dahil minsan daw lang namang dumaan sa pagiging 18 ang isang babae.

March 2 talaga ang birthday niya pero working day iyon kay Bianca sa taping ng kanilang te­leserye ni Miguel Tanfelix, ang Kambal, Karibal na kinunan ang supposedly debut rin ng character niya bilang si Crisan at ni Kyline Alcantara as Cheska.  Ano ang gift na gusto niyang matanggap sa debut niya?

“Hindi ko rin po alam kung ano, but I’m now contented with everything I have,” say ni Bianca.

“Kahit simple gift okey na po iyon sa akin, what’s important iyong dumating po ang mga taong bisita ko. Gift ko po sa sarili ko? Iyon pong makapagbakasyon ako kapag may time. Gusto kong pumunta ng Japan”

Matipid pa rin si Bianca na idetalye ang kanyang gown na isusuot.

“Ako po nag-isip ng gusto kong gown, kung paano ako papasok sa ballroom. Gusto ko pong isurpresa sa mga guests ang dalawang gowns na isusuot ko. Si Faye Reyes, a Dubai-based Filipino designer po ang gumawa ng gowns, nakita ko na pero hindi ko pa naisukat kasi ibinalik uli sa Dubai.”

Si Joey Abacan ng GMA Nertwork, na tinatawag niyang “Nanay” ang kanyang first dance at siyempre ang kanyang last dance ay ang ka-love team na si Miguel Tanfelix. Ang GMA Artist Center daw ang gumawa ng line-up ng mga participants sa 18 candles, 18 roses at 18 treasures. Ano kaya ang colors ng gowns ni Bianca, balitang ang kanyang guests will all wear white.

Gabby, Sunshine at Ryza nakaramdam ng sepanx

Simula na ngayong Monday ang last six days ng top-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos at may separation anxiety na ang mga lead star na sina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, at Ryza Cenon dahil tumagal din sila for fourteen months.

Si Gabby, marami raw siyang good and memorable things to remember and lessons learned sa pagganap niya bilang isang asawang nangaliwa, natutunan daw niya ang value ng honesty, to be humble and grounded.

Promise ni Direk Laurice Guillen na marami pa silang pasabog bago matapos ang serye at tiyak daw magugustuhan ng netizens ang grand finale nila sa Saturday, March 17, after ng Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with