^

Pang Movies

Kiko grabe ang excitement na naramdaman kay Julie Anne

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kiko grabe ang excitement na naramdaman kay Julie Anne

Julie Anne San Jose

Isa sa sought-after hunk ngayon si Kiko Estrada dahil sa sunud-sunod na mga project nito sa TV at pelikula.

Huling napanood si Kiko sa pelikulang My Fairy Tail Love Story at kasalukuyang ginagawa niya ang pelikulang Walwalan under Regal Entertainment.

Endorser din si Kiko ng sikat na underwear brand na Bench.

Ngayon ay makaka-partner pa ni Kiko si Julie Anne San Jose sa bagong rom-com musical teleserye ng GMA 7 na My Guitar Princess.

Last teleserye ni Kiko ay ang Mulawin Vs. Ravena kunsaan gumanap siyang kontrabida. Sa My Guitar Princess ay romantic leading man siya together with Gil Cuerva.

Gusto nga ng aktor na maging versatile actor siya—puwedeng bida at puwedeng kontrabida. At ipinahayag niya ang excitement na makatrabaho si Julie Anne San Jose.

“It’s versatility over everything. Adapt or die. So yeah, I like to show my range and I like to show I can play anything. I think that’s the basic want of all actors.

“It’s gonna be the first teleserye na me and Julie Anne San Jose are gonna work together. So, it’s very exciting so yeah I was happy to see her noong meet and greet and yeah it was so fun kasi ang tagal ko nang gustong makatrabaho si Julie and of course Gil Cuerva,” pagtapos pa ni Kiko.

Aicelle magiging abala sa kasal pagkatapos ng stint sa Miss Saigon

Matapos ang naging official engagement ni Kapuso singer-actress Aicelle Santos at GMA news correspondent Mark Zambrano noong nakaraang March 7, handa nang lumipad papuntang London ang dalaga on March 22 para sa paglabas niya sa musical na Miss Saigon.

Gaganap na Gigi van Tranh si Aicelle sa Miss Saigon UK Tour.

Suportado ng kanyag fiancé na si Mark ang pag-alis ng bansa pansamantala ni Aicelle para matupad ang matagal ng dream nito na mapasama sa musical na Miss Saigon.

 Hindi raw niya inasahan na magpu-propose na si Mark sa kanya kahit napag-uusapan na nila ang kasal.

“Nagulat ako, it was supposed to be an event, tapos biglang proposal na pala. Nagulat and very happy.

“Because we’ve talked about it, ‘yung settling down. Lagi naman na ‘yun napag-uusapan. Hindi pa lang namin alam when.”

Wala pa raw silang exact date ng kanilang kasal, pero mangyayari raw iyon pagkatapos ng stint niya sa Miss Saigon.

“Next year, ‘pag balik ko na lang,” paniguro pa ni Aicelle.

James Franco kinasuhan sa ‘di pagbibigay ng credit sa writer ng pelikula

Bukod sa kanyang sexual misconduct na issue, nakaharap ngayon ang Hollywood actor na si James Franco sa isang breach of contract issue.

Isang former student ni James na si Ryan Moody ay nag-file ng lawsuit dahil sa hindi pagbigay sa kanya ng credit sa pagsulat ng pelikula nitong The Disaster Artist.

Naging student ni James si Moody sa UCLA in Los Angeles, California.

Nagtatrabahong unofficial teaching assistant ni James si Moody sa kanyang UCLA English class nang imbitahan niya itong magsulat ng screen adaptation ng librong may titulong The Disaster Artist: My Life Inside the Room.

Bukod sa babayaran siya, nangako si James na bibigyan niya ng credit si Moody as associate producer at kasama siya rin siya sa credits ng screenplay.

Pero pagkatapos na mabayaran si Moody ng $5,000 lang, hindi natupad ang promise ni James na isama siya sa credit ng screenplay.

Noong ma-nominate as Best Adapted Screenplay ang The Disaster Artists, pangalan nina James at Scott Neustadter and Michael H. Weber ang nakalagay.

Kaya noong February 28, nag-file si Moody ng breach of contract case laban kay James kasama na ang production partners nito na RabbitBandini and Point Grey.

Ayon sa isinampang kaso ni Moody, James Franco has “no intention of giving him a credit, but made the offer to secure the rights to his screenplay for ‘far less than fair market value’”

Magkaibigan sina James at Moody since 2012 at si Moody ang nag-pitch ng The Disaster Artist sa mga producers nito noong 2013 pa.

Kasama sa lawsuit ni Moody ang mga email ni James sa kanya at idini-discuss nila ang The Disaster Artist.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with