^

Pang Movies

Pia napuruhan sa shooting!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pia napuruhan sa shooting!
Pia Wurtzbach

Very proud and honored si Gerald Anderson na makapareha ang ating Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa pelikulang My Perfect You.

“Isa siya sa pinakamaganda sa universe. At saka, ang maganda kasi, wala tayong masyadong napanood sa kanya so that makes it more exciting.

“Sobrang na-excite ‘yung mga tao nung napanood ang trailer na parang ‘wow, kaya niya palang gawin ‘to,’ ‘ganito pala ang hitsura niya ‘pag ganyan.’ Halos wala rin siyang make-up sa buong movie, eh.

“So, ‘yung mga fans niya mula Miss Universe at sa mga pageant na sinasalihan niya, ito, ibang Pia kasi. Doon, la­ging maayos, laging uma-aura sa stage.

“So dito, ibang-iba siya. That makes it very, very exi­ting,” sabi ni Gerald sa presscon ng My Perfect You held last Sa­ turday.

Sobrang napabilib pa raw siya kay Pia noong ­unang araw nila ng shooting.

“Ang eksena niya, ka­ila­ngan niya akong ha­bulin sa batuhan, tapos kailangan niyang lumuhod. Eh sa sobrang bilis ng pagluhod niya, tumama ang tuhod niya sa bato at alam ko, solid, eh. Kasi narinig ko, eh,” kuwento ni Gerald.

Pero humanga raw siya na talagang itinuloy pa rin ni Pia ang eksena at parang wala lang nangyari.

“Doon pa lang, nakita ko na, gusto niya itong ginagawa niya at gagawin niya ang best niya,” he said.

Halos ganito rin ang sinabi ni direk Cathy tungkol kay Pia.

“In fairness to Pia, siyempre, Miss Universe ‘yan. Even the entourage of Pia, wala kang mararamdaman na ‘hoy, si Miss Universe ‘to, ha?’ In fact, ako ‘yung nagagalit, ‘alagaan n’yo kaya ‘yung Miss Universe n’yo’ kasi sugat-sugat na siya, sa mga eksena, hindi nagrereklamo,” kuwento ni direk Cathy.

Pagdating sa pag-arte ay naka-deliver naman daw si Pia. In fact, to quote direk, sey niya, “magaling siya.”

Gerald natalakan ng direktor dahil sa inutil na acting!

Still on Gerald, aminado rin ang aktor na talagang nakatikim din siya ng “bagsik” ni direk Cathy habang ginagawa ang pelikula.

“Tatanungin niya minsan, ‘Gerald, ano’ng klaseng acting ‘yan?’ Ako, kasi, kilala ko nga, sasagutin ko, ‘inutil po na acting direk,’ ‘yung alam ko na. alam ko na, eh.

“Pero that’s. . .’yun ‘yung. . .ganu’n siya talaga, eh. Totoong tao siya, wala siyang. . .Kung hindi mo siya kilala or napadaan ka lang sa set, narinig mo ‘yun, parang mao-offend ka.

“Pero alam ko naman na ginagawa niya ‘yun sa tamang paraan para ma-motivate kaming lahat. At kung paano niya ako i-motivate, ganu’n din niya i-motivate si Hap, si Janus (del Prado), ‘yung talent na dadaan lang, ‘yung magbibigay lang ng tubig. Ganu’n siya sa lahat ng tao,” pahayag ni Ge­rald.

Singit naman ni Janus, “at ‘pag nagbigay siya ng compliment, mas masarap sa pakiramdam kasi alam mong totoo siyang tao. ‘Pag may pangit s­iyang nakita, sasabihin niya sa ‘yo, eh.”

Nang matanong si Gerald kung first time ba n­iyang na-experience sa isang direktor ‘yung ganu’n kasakit magsalita, sey ng aktor, “oo, sobra!”

Tanong naman ni Wilma Doesnt na isa rin sa cast, “masakit ba? Sa tagal, nasanay kaming lahat.”

Tawanan!

Ipapalabas na ngayong March 14 ang My Perfect You at kami personally, ang isa sa gusto na­ming ma­kita sa movie ay ang sinabi ni direk Cathy na nakita raw niya si John Lloyd Cruz kay Gerald sa isa sa mahihirap na eksenang ipinagawa niya.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with