^

Pang Movies

Kasal nakakalula ang gastos, wedding gown ni Meghan nagkakahalaga ng halos P30-M!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kasal nakakalula ang gastos, wedding gown ni Meghan nagkakahalaga ng halos P30-M!

Meghan Markle

Marami na ang nagsasabi na hindi magi­ging simple lang ang Royal Wedding nina Prince Harry at Meghan Markle dahil sa wedding gown pa lang ay nakakalula na ang presyo nito.

Nagkakahalaga ng £400,000 or $556,144 (P28,938,953.04) ang nasabing wedding gown pero wala pang official word kung sino ang kinuha para gumawa nito.

May nag-i-speculate na ang resident designer ng Alexander McQueen na si Sarah Burton ang napiling designer dahil ito rin ang gumawa ng iconic lace wedding gown ni Kate Middleton noong 2011.

Pero may ilang pangalan din na lumitaw tulad ng Erdem, Ralph & Russo, Inbal Dror and Giles Deacon.

“The wedding dress has been the biggest expense, and the budget has now doubled from what it originally was,” ayon sa isang palace source.

Sa May 19, 2018 ang Royal Wedding date sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle. Sa post-wedding celebrations pa lang, gumastos na ang dalawa ng higit na £100,000 or $139,043.00 (P7,233,712.08).

Ang kanilang honeymoon naman ay set to cost ng higit sa £120,000 or $166,863.60 (P8,681,078.7).

Bianca nagpaliwanag sa ginawa sa beach

Marami ang nagulat sa Kambal, Karibal star na si Bianca Umali nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng photo kung saan suot niya ay black bikini habang nagbabakasyon sa Sorsogon. Kitang-kita kasi ang kaseksihan nito at tiyak kami na maraming naglaway na kalalakihan sa ipinamalas nitong kaseksihan sa social media. Nag-turn 18 na si Bianca noong nakaraang March 2 at nasa legal age na ito na gawin ang anumang gusto niya.

Pero nilinaw ni Bianca na walang kinalaman ang pagiging 18 niya sa pagsuot ng bikini. Nataon lang daw na nasa beach sila at proper attire raw iyon sa beach.

Wala naman daw siyang balak na magpa-sexy or mag-pose sa isang men’s magazine tulad ng mga nasulat.

“It’s just my regular photo na ipo-post ko sa Instagram. It wasn’t my intention na 18 na ako kaya magpo-post na ako ng ganito, hindi ganu’n,” paliwanag pa ni Bianca na gustong manatiling wholesome ang image.

Gil kaMpanteng hindi pagseselosan ni Benjamin

Sa wakas ay nabigyan na ulit ng leading man role si Gil Cuerva pagkatapos ng My Love From The Star. Isa si Gil sa dalawang leading men ni Julie Anne San Jose sa musical rom-com teleserye na My Guitar Princess.

Ngayon pa lang ay may nang-iintriga na kay Gil dahil baka ikaselos ni Benjamin Alves ang pagtambal nito sa girlfriend na si Julie Anne.

“With regards kay Ben, actually like I’m friends with Ben. I wouldn’t mean naman na sobrang close, pero I would say naman na friends naman kami ni Ben. We play basketball together.

“With regards with the romantic scenes, I think of all people Ben would know na parang it is just work, it’s just really work,” diin pa ni Gil.

Kasama rin sa My Guitar Princess si Kiko Estrada bilang ikalawang leading man ni Julie Anne.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with