^

Pang Movies

Sharon negang-nega sa pagiging pakialamera!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon negang-nega sa pagiging pakialamera!

Sharon

Napag-usapan lang namin nung isang gabi. Mukhang sunud-sunod ang pagbanat ng bashers sa Megastar na si Sharon Cuneta. Nagsimula iyan matapos ang kanyang interview kay Korina Sanchez, na ­naging negatibo nga ang dating sa ma­rami. Bagama’t mabuti naman sana ang intensiyon ni Sharon, ang naging dating noon ay iba at inuungkat na naman niya ang isang mapait na nakaraan.

Hindi pa siya nakakaahon sa nangyaring iyon, nasundan na naman ng panibagong hagupit ng bashers nang ipagduldulan naman niya ang sinasabi niyang mas mataas na ratings ng show nina Enrique Gil at Liza Soberano laban sa show nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Understood naman iyon, dahil ang sinasabi niyang source ay ang survey ng Kantar Media, na alam naman natin sa simula’t sapul ay nagbibigay ng mas mataas na ratings sa mga show ng ABS-CBN.

Ang sinasabi ng iba, kasi nga raw ABS-CBN naman ang nagpapa-survey sa Kantar Media sa Pilipinas, at ang karamihan ay mas sumusunod sa AGB Neilsen na mukhang mas parehas. Ang AGB ay Audits of Great Bri­tain, na kasama ng Neilsen Media ng US. Kinikilala siya worldwide.

Pero hindi iyon ang punto. Maski kami ay nagtataka, bakit nga ba nakikialam si Sharon doon sa hindi naman niya show? Siguro dahil siya ay nakakontrata sa ABS-CBN. Siguro sabi nga ng kanyang bashers, baka kailangan niyang idiin sa ABS-CBN ang kanyang loyalty, pero kailangan bang gawin iyon ng isang Megastar na kagaya ni Sharon na napatunayan na naman ang kanyang kakayahan?

Hindi namin alam kung bakit nangyayari ang ganyan ngayon. Lumabas lang naman iyan sa social media eh, at may nagsasabing baka nga hindi si Sharon iyan kung hindi isang “account administrator”. Kung isang account administrator iyan, aba eh dapat dispatsahin na iyan. Kung si Sharon nga mismo iyon, ewan nga ba kung bakit. Masakit pakinggan ang sinasabi ng iba “hindi kasi siya busy, kaya social media ang inaatupag niya”.

Napansin nga namin, ang personalities na hindi busy, ang inatupag lang ay social media. Kasi hindi rin naman sila masyadong napag-uusapan sa lehitimong media.

Pero hindi sana dapat ganoon si Sharon. Megastar siya eh. Isipin ninyo halimbawa kung si Congresswoman Vilma Santos ang magbigay ng mga ganoong comments? O si Nora Aunor makialam sa ratings ng hindi naman niya TV show?

Dumating ang mga labi galing Amerika, asawa ni direk Leroy na si Bella, pumanaw na rin

Naroon kami sa wake ng actor na si Bernardo Bernardo nang may tumawag sa amin para sabihing ngayong araw na ito darating sa Pilipinas ang mga labi ni Ate Bella Salvador, ang asawa ni direk Leroy Salvador, at nanay nina Jobelle. Ni hindi namin nalamang yumao na pala siya, at ilang buwan na ang nakaraan. Cremated na ang kanyang mga labi, pero gusto nilang sundin ang kagustuhan niyang mailibing dito sa Pilipinas.

Ihahatid siya sa huling hantungan sa Martes, Marso 13, sa Manila Memorial Park sa Parañaque. Magkakaroon ng isang wake at memorial service simula alas-diyes ng umaga. May misa ng ala-una ng hapon at ang paghihimlay ay sa ganap na alas-tres.

Ipanalangin natin ang kanyang kaluluwa.

Isa pang aktor maglalantad na!

Nang makaharap daw ng psychic na si Atty. Nick Nangit ang isang male star, ang unang lumabas sa kanyang tarot card ay ang “lovers’ card”. Wala namang sinabi talaga si Atty. Nick kung ano ang meaning noon, pero galit na galit daw agad sa kanya ang fans noon. Inuunahan na siguro nila dahil baka masabing ang ibig sabihin noon ay maaari na ring sumulat ng libro ang idol nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with