^

Pang Movies

Hindi nagluluksaang mga nakikiramay!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hindi nagluluksaang mga nakikiramay!

Nagsisimula pa lamang ng kanyang career si Sharon Cuneta nang sumikat at manalo ng Best Actor award, hindi Best Supporting na kagaya ng mga nakalagay sa fake news, sa ika-limang Gawad Urian si “Manay Sharon” na ginampanan ng mahusay na actor na si Bernardo Bernardo. Tinalo niya sina Phillip Salvador na nominado para sa Bona, Johnny Delgado para sa Brutal, at Dindo Fernando para sa Langis at Tubig.

Maraming ginawang role si Bernie, pero para sa kanya pinakamaganda ang role ni Manay Sharon sa pelikulang Manila by Night, na pinalitan ang title at ginawang City After Dark. Ang pagpapalit ng title ng obrang iyan ni Ishmael Bernal ay isa ring mahabang kuwento.

Nakilala namin si Bernie noong panahong stage actor pa lang siya. Noon din ay naghu-host siya sa mga sing-along bar. Wala pang karaoke noon. Ang tumutugtog ay mga gitarista o pianista. Hindi pa uso ang minus one. Nauna naming nakilala at nakasama sa trabaho ang kuya niya, ang batikang photo journalist na si Ramon Vecina. Nakilala rin namin ang isa pa niyang kapatid na si Al, na isa namang pintor.

Masayahing tao si Bernie. Lagi siyang may mga birong nakakatawa. Nagulat nga kami nang nakatawa pa siya sa amin sa isang sitwasyong siguro kung sa iba nangyari ay magwawala na. Ganoon namin siya kaki­lala, maging sa personal niyang buhay. Alam naming lahat, pati ang love life niya, na hindi naman niya binuksan sa publiko.

Huli naming nakita si Bernie noong press conference ng Larawan. Hindi pa niya alam noon na may sakit na siya. Hindi naman siya mukhang may sakit.

Nakakagulat nang bigla na lang naming nabalitaan, namatay siya sa pagkakatulog noong madaling araw ng Huwebes, Marso 8.

Nagpunta kami sa kanyang burol kinagabihan. Naroroon ang mga malalapit niyang kaibigan, ang mga estudyante niya, at ang kanyang buong pamilya. Noon lang din kami ulit nagkita ng Kuya niyang si Ramon matapos ang kung ilang taon din.

Walang kalungkutan sa burol ni Bernie. Lahat ay natapos na sa kanilang pag-iyak, at natutuwa sila na ngayon ay tahimik na siya at wala nang nadaramang anumang sakit.

Ate Vi hinabol ng judges para magpa-selfie

Halata namin ang tensiyon kay Congresswoman Vilma Santos nang tumayo siya sa podium at magsalita sa harapan ng women judges noong isang araw. Nauna kasi sa kanya ay nagsalita si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tinuligsa ang mga gustong magpatalsik sa kanya, na agad sinundan ni Justice Teresita de Castro, na nagsabing ikinalulungkot niya ang pagsasamantala sa pagkakataon ni Sereno, na sinabihan niyang ang ginawa ay subjudice.

Iyon ang nasundan ni Ate Vi, kaya noong oras na para magsalita siya ang sinabi na lang niya ay “puwede po ba magkuwentuhan na lang tayo”. Sinundan iyon ng isang malakas na palakpakan at tawanan, na sinabi niyang “salamat po narinig ko ang tawa ninyo”.

Darating ang araw na boboto rin siya, pabor man o hindi sa pagpapatalsik sa chief justice, pero ayaw niyang pangunahan kung ano man ang gagawin niyang desisyon pagdating ng araw. Sabi nga niya, “at saka na lang kung nandoon na. Pero natensiyon talaga ako kanina. Ang tagal ko sa showbiz na marami ring intriga at awayan, pero hindi ganoon katindi talaga eh. Ito talaga nakaka-tension”.

Noong humupa naman ang tensiyon ay ok na ang lahat, at natural kahit na nga iyong mga women judges, naghahabol ding makapag-selfie na kasama si Ate Vi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with