^

Pang Movies

Mark napaghandaan na ang pang-iiwan ng mga kaibigan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Today March 10 at 4:00 p.m. ang book signing ni Mark Bautista ng libro niyang Beyond The Mark sa National Book Store, Trinoma Mall. 

Sa interview kay Mark ng Chika Minute ng 24 Oras, inamin niyang nang lumabas ang book niya ay marami siyang friends na lumayo pero pinag­handaan na raw niya iyon. 

Mas masaya raw ang pakiramdam niya ngayon at tahimik ang buhay niya pagkatapos mailabas ang saloobin.

Ilang beses nang nakikita si Mark sa GMA Network, minsan naka-lunch pa niya ang ilang executives kaya natanong namin ang isang insider kung kukunin ba nilang muli si Mark na matagal ding um-appear sa mga show nila noon bago pumunta ng London para sa ilang musical plays. Siguro raw ay pagkatapos na ng US concert shows ni Pop Princess Sarah Geronimo kung saan makakasama si Mark dahil tatagal daw ito ng two months. Magsisi­mula ito pagkatapos ng major concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum sa April 13 na This 15 Me.

Rhian nag-aaral humawak ng baril 

Kung napaka-sexy ni Rhian Ramos sa role niya as Zoe sa The One That Got Away, ibang-iba naman ang hitsura niya sa post sa Instagram para sa bagong project na gagawin. “All about correct gun handling for #72 hours. Sobrang galing ng mga nagturo sa akin, was able to learn so much in this crash course and I can’t wait to show you all that in my role as a PNP officer.”

Dahil naka-tag ang #ImusProductions, malamang ito na iyong sinabi ni Rhian na isang episode sa movie na gagawin niya sa said production kung saan makakatambal niya si Jolo Revilla, at producers ang magkapatid na Jolo at ­Bryan Revilla.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with