^

Pang Movies

Vilma naipit kina CJ Sereno at AJ de Castro

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Vilma naipit kina CJ Sereno at AJ de Castro

Vilma at CJ Cereno

Markado ang pahayag ni Congresswoman Vilma Santos-Recto nang maimbitahan siya sa 30th anniversary ng Philippine Women Judges Association (PWJA) last Thursday sa Manila Hotel. Present din sa okasyon sina Chief Justice Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita de Castro na base sa news reports ay may iringan.

Eh sa presidential table, napagitnaan si Cong. Vi nina SJ Sereno at AJ de Castro. Bago tawagin ang Lipa congresswoman, nagsalita si CJ Sereno tungkol sa impeachment case niya. Hindi ‘yon nagustuhan ni AJ de Castro kaya bumuwelta siya kay SJ Sereno.

Nakausap si Ate Vi nina Arnold Clavio at Ali Sotto kahapon sa DZBB program nila at sinabi niya ang rason ng sinabi niyang ‘yon. Sa unang bahagi ng speech ni Cong. Vilma, sinabi niyang ang bigat-bigat ng kalooban niya nu’ng mga sandaling ‘yon.

“Nu’ng dumating ako, nandoon na ang pangalan ko. Sinalubong ako ng presidente ng PMJA in fairness naman ni Hon. Teresita de Castro at doon naman nila ako inilagay. ‘Yun na nga, sa seating arrangement katabi ko pala si Chief Justice Honorable Sereno at katabi ko rin po si Justice Antonio Carpio,” saad pa ng kongresista.

Biro ni Arnold, dati raw, Nora Aunor lang ang kaharap niya pero sa event na ‘yon puro Your Honors. “But again after the message ni Chief Justice, okay lang naman sa akin. Kasi sinabi na ako na ang susunod. Ii-intro na ako,” sey pa niya.

Itinanggi ng Lipa City congresswoman na nakita niya ang iwasan ng dalawang Justices. Tanong ni Arnold, bakit niya na­ramdaman ‘yung bigat ng loob. “Naramdaman ko lang after ng mensahe ni Chief Justice. Kung makikita mo nga ‘yung picture, na-shock ako. Tumayo nga si Justice de Castro at ibinigay ang message niya na this is not the right time, place and time,” pahayag pa niya.

“Diyos ko naman po. First time  ko. Para makaharap mo itong mga kagalang-galang na tao and then, parang may ganoong tensyon. Ako rin po natensyon. So pagpunta ko sa podium, binanggit ko kung ano ang nararamdaman ko!” diin pa ng congresswoman.

Natanong din kay Ate Vi ‘yung picture na lumabas sa isang broadsheet na hawak niya ang mukha ng Chief Justice. “Ito po ‘yung nagbaba-bye na kami. Heto na ‘yung beso-beso ng pag-goodbye namin. Nag-thank you rin siya sa akin na ako po ay pumunta roon. Kaya ko rin hawak sa mukha, sinabi ko rin na I know na dumadaan siya sa pagsubok. So, ‘I will just pray for you.’ ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya nu’ng hawak ko mukha niya,” katwiran ni Ate Vi.

Batid din ni Cong. Vilma na nu’ng mga oras na ‘yon eh nagbobotohan sa Kongreso ang members ng Justice Committee sa pagkakaroon ng probable cause sa isasampang impeachment case sa Chief Justice.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with