^

Pang Movies

Maine nag-house party, Alden abala sa mga bingi!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine nag-house party, Alden abala sa mga bingi!

Maine Mendoza

Muling nagsaya ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang makitang magkasama ang dalawa sa shoot ng TV commercial ng isang brand ng ice cream para sa summer promotion nito. Maraming fans ang nakaalam ng location ng shoot at hindi naman sila pinagkaitang mapanood ito with the promise na walang magpu-post ng scenes sa mismong TVC. 

Bago ang shoot nila, maghapong nag-taping si Maine ng episode nila para sa EB Lenten Special kasama sina Vic Sotto, Allan K, Kendoll at si Ms. Rita Avila. Diretso na siya sa TVC shoot the following day, kaya naman hindi na niya nakayang mag-appear sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga sa Tanay, Rizal last Wednesday, at nagpahinga na lamang siya sa kanyang condo unit.  Doon siya sinorpresa ng kanyang Team Pelangi na sina Sheena Halili and Juancho Trivino kasama ang ilan sa production na posted sa kanyang Instagram story. 

That time naman, si Alden ay kasama si Concert King Martin Nievera ay nag-guest sa Philippine Institute for the Deaf’s Recital held at RCBC Theater in Makati City.

Aicelle at Mark, engaged na

Sa March 22 ang alis ni Aicelle Santos for London, para magsimula na siya ng rehearsal as Gigi Van Tranh sa musical na Miss Saigon UK tour. Kaya naman everyday ay ginagawa ng friends niya na maging memorable sa kanya bago siya umalis. 

The best na ay ang proposal sa kanya ng boyfriend na broadcaster, si Mark Zambrano ng GMA News  & Public Affairs sa Straight Up Bar sa Seda Hotel Vertis last Wednesday evening.  Si Mark ang nag-ayos ng said event at he shared na ang engagement ring na ipinagawa niya ay may sunflower design, favorite flower ni Aicelle, with diamonds.

Naniniwala si Mark na ang ginawa niya ay magpapalakas ng loob ni Aicelle, at magpapaalaala sa kanya na someone is waiting for her and loving her from a distance. Patotoo raw lamang iyon na serious siya sa intentions niya kay Aicelle.

Best wishes Aicelle and Mark!

Kasamaan ni Ryza may finale na

Last taping day na today ng longest-running and top rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos. Everybody ay gustung-makita sa isang malagim na kamatayan si Georgia (Ryza Cenon).

Simula sa Monday, March 12, final week ng serye na tampok sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon after ng Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with