^

Pang Movies

Ina regular ang pagsusunog ng taba kaya nakakalamon ng gusto!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ina regular ang pagsusunog ng taba kaya nakakalamon ng gusto!

Ina Feleo

Noon pa man, disiplinado na sa kanyang katawan ang aktres na si Ina Feleo. Kaya hindi niya napapabayaan na tumaba siya kahit na aminadong malakas siyang kumain.

“Puwedeng-puwede i-burn ang mga kinain sa gym. Kaya I make it a point na kapag kumain ako ng marami, ready na ako with my 30-minute workout plan,” diin pa ni Ina.

Hindi lang daw tuwing summer bikini-ready ang katawan ni Ina. The whole year ay well-tone ang kanyang mga braso at binti, flat ang kanyang tiyan at walang umaalog na mga muscle sa anumang parte ng katawan niya.

Mabisa ang 30-minute workout ni Ina na ginagawa niya six times a week.

Dahil nasanay na raw ang katawan ni Ina na napapawisan, kahit busy siya sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, hindi siya nakakalimot na mag-workout bago tumuloy sa taping location nila.

Julie Anne ipa-partner kina Kiko at Gil

Porke’t may relasyon na sila ni Benjamin Alves, hindi iyon magiging hadlang para makatrabaho ni Julie Anne San Jose ang ibang Kapuso leading men.

Sa bagong teleserye ni Julie na My Guitar Princess, leading men niya sina Kiko Estrada at Gil Cuervo.

Open naman daw si Julie na makatrabaho ang iba’t ibang leading men. Ayaw daw niyang ma-limit sa iisa lang.

Makakasama rin ni Julie sa My Guitar Princess sina Sheryl Cruz, Isabelle de Leon, Jazz Ocampo, One Up heartthrob Ralf King at comedienne na si Maey Bautista.

Huling teleserye ni Julie ay ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Nagnakaw ng oscar best actress trophy ni Frances Mcdormand, nasa kulungan na

Hindi pa man masyadong nag-iinit sa mga kamay ng Hollywood actress na si Frances McDormand ang napanalunan niyang Oscar award for best actress para sa pelikulang Three Billboards Outside Ebbing Missouri nang may magnakaw nito.

Ayon sa kuwento ng aktres, dumalo siya sa Governor’s Ball, ang formal dinner party after ng Oscars ceremony kung saan ang punung-abala ang world-renowned chef na si Wolfgang Puck.

Pinatong lang daw ni Frances ang kanyang Oscar trophy sa lamesa at may kinausap ito. Bigla na lang daw nawala ang trophy sa lamesa.

Mabuti na lang at may photographer na kumukuha ng video/pictures sa bawat lamesa at nakunan nito ang nagnakaw ng Oscar trophy ni Frances.

Kitang-kita sa video na hawak ng magnanakaw ang trophy ng aktres.

Mabilis na nahanap at inaresto ang magnanakaw na nagngangalang Terry Bryant. Nagpapanggap itong producer at kunwari ay nanalo siya ng Oscar award.

Kinasuhan ang 47-year old na si Bryant ng grand theft at ang piyansa nito ay nasa halagang $20,000.

Mabilis na naibalik ang Oscar trophy ni Frances na nag-alala kung saan napunta ito.

Nataon naman na naka-engrave na ang pangalan ni Frances sa trophy bago ito ninakaw ni Bryant.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with