^

Pang Movies

Goma napisil na Chief of Mission ng mga Pinoy sa Asian Games

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma napisil na Chief of Mission ng mga Pinoy sa Asian Games

Richard Gomez

Si Mayor Richard Gomez ang napiling chief of mission ng Philippine Team sa Asian Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia. Si Goma na presidente rin ng fencing federation ang pinili ng bagong pangulo ng POC na si Ricky Vargas para siyang mamuno sa delegasyon.

Bilang chief of mission, si Goma ang mamamahala sa paghahanda ng team para sa Asian, at ganoon din ang pamimili ng mga atleta para sa labang iyan.

 “Over qualified pa si Mayor Goma para riyan,” sabi ng isang sports aficionado. Si Goma lang ang atleta na nakapaglaro sa national team sa fencing, rowing, shooting at volleyball. Siya lang yata ang masasabi mong all around athlete na nakagawa ng ganyan. Karamihan sa mga athlete, nagsasanay lamang sa isa o dalawang sports event. Nakapag-uwi na rin si Goma ng maraming medalya sa ating bansa.

Kabisado ni Goma ang problema ng mga atleta na nagsasanay para sa international games. Sinasabi nga niya na kahit naman noon, may mga sport na maraming sumusuporta, may mga sport naman na wala halos sponsors at kawawa ang mga atletang kasali sa mga larong iyan.

Noon sinasabi nga ni Goma, siya mismo ang gumagastos para sa kanyang sariling training, pero dahil artista siya, mayroon nga siyang panggastos at maraming gustong mag-sponsor sa kanya, eh papaano nga iyong hindi?

Iyan ay isa sa mga bagay na alam naming bibigyang pansin ni Goma ngayong siya ang chief of mission ng Philippine Team sa Asiad.

Liza mali ang sagot sa bashers!

Late reaction ito, pero natawa kasi kami nang mabasa namin ang isinagot ni Liza Soberano sa isang heckler na nagsabing ang bida raw sa kanilang serye ay mga mukhang Caucasian at hindi naman mukhang Pilipino. Ang sagot ni Liza, pure Pilipino ang tatay niya. Ang nagpalaki sa kanya ay mga tunay na Pilipino, at mahilig siyang kumain ng sinigang at iba pang pagkaing pinoy.

Pero tingnan natin ang totoong sitwasyon. Pilipino ang tatay ni Liza, si John Castillo Soberano at American naman ang nanay niyang si Jaqueline Elizabeth Hanley. Ipinanganak siya noong January 1998 sa Santa Clara, California. Batay sa mga batas at konstitusyon ng America na ang sinusunod ay ang prinsipyong “jus soli”, dahil ipinanganak siya sa teritoryo ng America, siya ay isang American.          

Kung susundin naman ang konstitusyon ng Pilipinas, na ang prinsipyong sinusunod ay “jus sanguinis”, dahil Pinoy ang tatay niya, maaari siyang pumili pagdating ng legal age kung gusto niyang maging isang Pinoy o manatiling isang Kano. Ngayon pinapayagan na rin ang dual citizenship. Doon sana siya nag-base ng kanyang isasagot sa kanyang basher, hindi iyong dahil mahilig din siyang kumain ng sinigang. In the first place, hindi naman tinatanong ang kanyang citizenship. Ang sinasabi nga lang mukha siyang Caucasian at hindi mukhang Pinoy.

Male star mas malala pa kay Mark

Dapat na rin daw sumulat ng libro ang isang male star, “ala-Mark Bautista”. Hindi po, dapat gumawa siya ng isang pelikulang kagaya nang ginawa noon ni Mang Dolphy, iyong Markova.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with