^

Pang Movies

Andi wala nang paki sa career!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Andi wala nang paki sa career!

Andi Eigenman

Obviously, wala munang balak magpaka-active sa showbiz si Andi Eigenman. Not at this point in time na aminado siyang ine-enjoy niya ang tahimik na buhay kasama ang businessman at surfer boyfriend na si Emilio Arambulo at ang kanyang nearly five year-old daughter with Jake Ejercito na si Ellie, na magaling nang gymnast sa kanyang edad.

It seems na hands off din si Jaclyn Jose (na busy sa kanyang trabaho) sa desisyon ng anak. After all, kung maligaya nga naman si Andi sa desisyon nito, who is she to disagree with her?

Huling movie ni Andi ang Camp Sawi na produced ng Viva Films noong 2016.

Baron hindi na nahingan ng tulong si Direk Maryo

Obvious din na kailangan talaga ni Baron Geisler ang magpa-rehab muli. Well, for his own good.

Bagama’t marami ang nakikisimpatya sa kanya, marami rin ang naniniwalang higit niyang kailangan ang professional help.

Naalala ko nang huli kaming mag-usap ni Ba­ron, binanggit niya sa akin ang wish niya na makausap ang late director na si Maryo J. delos Reyes dahil hihingan daw niya ito ng tulong, para maging aktibo siyang muli sa kanyang showbiz career.

Pero ilang araw lamang pagkatapos naming mag-usap, napabalita na ngang binawian na ng buhay ang mabait at magaling na director.

Bela at Vice may chemistry

Si Bela Padilla nga ba ang pansamantalang kapalit ni Anne Curtis bilang host ng programang It’s Showtime na hino-host din nina Vice Ganda, Vhong Na­varro, Billy Crawford, Jhong Hilario, Amy Perez at Karylle?

Kasalukuyang nasa Japan si Anne dahil doon sila magsu-shooting ng pelikula kasama si Dingdong Dantes ng at least isang buwan.

Last Wednesday, Bela guested as host of the show, at maganda ang rapport niya, lalo na kay Vice Ganda.

Dyowa-dyowa lang Agot ayaw nang magpakasal!

Excited si Agot Isidro na makatrabaho ang mga artistang hinahangaan niya na hindi pa niya nakasama sa kahit na anong project noon.

Nangunguna na rito si Lorna Tolentino, na napatunayan raw niya na tunay na aktres in the true sense of the word.

Sumunod naman si Julia Montes, na kahit nagdagdag ng timbang, ay ang ganda at humusay lalo sa pag-arte. And, of course, si Cherry Pie Picache, na hindi talaga matatawaran ang kahusayan sa pagganap.

Gumaganap siya sa A­sintado bilang maybahay ng maimpluwensyang pulitiko na ginagampanan ni Noni Buencamino, na sunud-sunuran lang.

Married at one time si Agot kay Manu Sandejas pero they are now legally separated.

Nang matanong si Agot kung magpapakasal pa siyang muli, natawa si Agot, bago sumagot: “Well, ang umibig muli, I’m sure I will.

“May karapatan pa naman, di ba?” susog pa niya.

Agot will be turning 51 this year.

Darren naudlot sa Singer 2018

Ask ko lang, Salve A., if sure that teenage singer Darren Espanto was also considered for that singing Chinese competition, Singer 2018, kung saan ang ngayong local showbiz pride na si KZ Tandi­ngan ay patuloy na nakikipagkumpitensya?

If true, bakit ‘di siya natuloy?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with