^

Pang Movies

Regine sumama pa sa taping, Ogie isinalang na rin sa nilayasang show ni John Lloyd

Jun Lalin - Pang-masa
Regine sumama pa sa taping, Ogie isinalang na rin sa nilayasang show ni John Lloyd

Regine at Ogie

Isinali na si Ogie Alcasid sa Home Sweetie Home sitcom ng ABS-CBN.

Dalawa ang characters na ginagampanan ni Ogie sa sitcom na iniwan ni John Lloyd Cruz.

“May dalawang character ako sa show. ‘Yung isa, Ireneo at Irenea naman ‘yung second character ko,” sabi ni Ogie.

May tsikang baka hanggang April na lang ang nasabing sitcom na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga, pero sa pagkakasama ngayon ni Ogie sa show, hindi kaya extended na naman sila?

Sinamahan nga pala nina Regine Velasquez-Alcasid at Nate si Ogie sa taping ng Home Sweetie Home noong Tuesday, kaya maraming mga taga-Kapamilya network ang tuwang-tuwa na nakita nila roon ang Asia’s Songbird.

Marami ngang mga taga-Dos ang nagpa-picture pa sa Kapuso singer/actress. May mga pagkakataon na sinasamahan ni Regine sa bakuran ng Kapamilya network ang mister, pero wala namang issue sa bagay na ‘yon dahil nasa GMA 7 naman ang loyalty ng singer/actress.

Jak nasabiK kay Barbie!

Sobrang na-miss ni Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie Forteza na mahigit one week ding nag-taping ng Inday Will Always Love You sa Cebu, kaya naman pagdating na pagdating ng dalaga noong Tuesday ay naghihintay na ang boyfriend sa bahay nito.

Sabay raw na nag-lunch ang dalawa sa bahay nina Barbie.

Hindi na naman bago ang pagpunta-punta ni Jak sa bahay nina Barbie dahil alam naman ng lahat na malapit siya sa parents ng dalaga.

Hindi raw masyadong nagtagal si Barbie sa bahay noong Tuesday dahil pumunta pa siya sa meeting nila ni Direk Mike Tuviera para mag-reading naman ng script para sa Lenten presentation ng Eat Bulaga kung saan ay guest ang dalaga sa isa sa tatlong episodes nito.

So pahinga man sa taping ng Inday Will Always Love You, marami pa ring ibang trabaho si Barbie.

Si Jak naman, nagpunta ng Davao para sa mall show ng Contessa, ang bagong afternoon series ng GMA 7 na magsisimulang umere sa March 19.

Pokwang binisita ng in laws!

Kahapon ay kapalitan namin ng text message si Pokwang.

Bumibisita ngayon kay Pokwang at sa lovey-dovey niyang si Lee O’Brian ang parents ng huli mula sa San Francisco, California.

Ayon sa comedienne, one week lang dito sa Pilipinas ang kanyang “in-laws” na binisita ang anak nilang si Malia.

Tuwang-tuwa nga raw si Pokwang sa pagdalaw ng parents ni Lee para makita si Malia.

Samantala, baka end of 2018 pa raw makapagtrabaho uli si Pokwang dahil na-CS (caesarean section) siya.

Pero okey lang daw dahil nae-enjoy nga niya ang pag-aalaga sa bunsong anak.

‘Yung part 2 nga pala ng cook book niya, gagawin na rin daw this year dahil habang naka-maternity leave siya bago nakapanganak kay Malia ay napakarami niyang naimbentong dish na gusto naman niyang i-share sa lahat.

Habang kapalitan nga pala namin ng text message si Pokwang ay palabas sa CinemaOne cable channel ang pelikula nila ni Eugene Domingo with Sandara Park and Joseph Bitangcol, ang The Lucky Ones at nabanggit namin ‘yon sa lovey-dovey ni Lee.

“Hahaha. Isa sa mga paborito ko ‘yan at naaalala ko si Direk Wenn (Deramas, ang direktor ng pelikula na namayapa na noong February 29, 2016).”

Batikang komedyanteng si Bernardo Bernardo namayapa!

Ipinagluluksa ngayon ng showbiz ang pagpanaw ng veteran comedian na si Bernardo Bernardo sa edad na 73.

Namatay si Bernardo dahil sa pagkakaroon ng tumor sa pancreas.

Ang niece ni Bernardo na si Susan Vecina Santos ang nagkumpirma sa pamamagitan ng Facebook post na namayapa na nga ang kanyang uncle.

Matagal na naging parte ng sitcom ng Comedy King na si Mang Dolphy (na namayapa na rin noong 2012) sa ABS-CBN, ang Home Along Da Riles, si Bernardo.

Ilan taon ding nanirahan sa Amerika si Bernardo at ilang beses din namin siyang nakasama at nakakuwentuhan sa ilang shows doon.

Pagkatapos ng ilang taon, napagdesisyunan ni Bernardo na bumalik sa ating bansa at ipagpatuloy ang kanyang career dito.

Sa mga naulila ni Bernardo, ang aming pakikiramay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with