^

Pang Movies

Matteo mas bida ang hitsura kesa kay Enrique

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matteo mas bida ang hitsura kesa kay Enrique

Matteo Guidicelli

Napanood namin ang ikalawang araw ang Bagani, at sa totoo lang, nang lumabas si Matteo Guidicelli, wala pa man siyang ginagawa, at hindi pa man nagsasalita, ang naisip namin ay mukhang mas bagay siyang magiting na mandirigma kaysa kay Enrique Gil. Iyon nga lang, ang bida sa serye ay si Liza Soberano, na ang ka-love team ay si Enrique at hindi naman si Matteo.

Pero aywan nga, nakatuwaan naming ilagay sa social media ang aming comment, na sa palagay namin mas ok na bida si Matteo, at ang daming reaction naming nakuha lalo na sa friends naming hindi naman taga-showbiz, pero obviously nanonood din ng serye. Sinasabi nga nilang totoo, mukhang mas bagay na bida si Matteo.

May nagsabi pa ngang hindi lang mas maganda ang katawan ni Matteo, mas pogi pa ito. Pero sabi nga namin, lahat pala kami ay lumipat na ng channel. Mas ok naman talagang panoorin iyong tao kaysa sa aso.

Mas mahilig kasi kami sa pusa, in fact may apat kaming Persian cats, wala kaming aso.

Dating aktor pinatos ang hair dresser ng misis

Umiiyak si misis sa isang kaibigan niyang hairdresser at make up artist dahil sa kanyang suspetsa na ang kanyang mister na aktor ay ‘suma-sideline’ sa isang matrona.

Naaawa raw siya pero lihim ding natatawa ang bading na hairdresser at make up artist, dahil ang hindi raw alam ng umiiyak na misis, ang aktor ay ‘suma-sideline’ rin sa kanya.

Ganoon?

Pamilya suko na!

Nagsasalita na ang lahat ng mga kapatid ni Baron Geisler, at lahat sila ay nagsasabing tama ang ginawa ng kanilang bayaw na si Michael Morales sa pagpapahuli at pagsasampa ng demanda laban sa actor. Si Morales naman ay nagsabing nakahanda siyang iurong ang kanyang iniharap na reklamo laban kay Baron sa kundisyong oras na makalabas iyon ng kulungan ay tutuloy na siya sa isang rehabilitation facility.

Sinabi naman ng kanyang kapatid na si Donnie Geisler na matagal na raw nilang problema talaga si Baron. May sinasabi pa siyang isang pagkakataon na piniyansahan na nga raw niya iyon nang makulong, at inamin niyang talagang malaking problema nila ang actor lalo na kapag nalala­sing ito.

Hindi naman daw masasabing nagpabaya sila, dahil noong nabubuhay pa ang kanilang ina ay ipina-rehab na si Baron, pinatingnan pa sa isang psychiatrist, pero hindi kasi siniseryoso ni Baron ang gamutan, kaya maging siya ay naniniwalang kailangan na iyong ipasok nang tuluyan sa isang totoong rehab. Sinabi pa niyang alam niyang mahal ng kanyang bayaw na si Michael si Baron, dahil iyon pa nga ang nagsusuporta roon dahil wala namang masyadong kinikita ang actor. Tama lang, sabi niya, ang ginawa ng kanilang bayaw.

Mukhang lahat sila talagang suko na kay Baron. Maski ang kapatid niyang si Grace, na asawa ni Michael ay nagsabi na ngang sa palagay niya talagang hindi na magbabago ang kanyang kapatid.

Marami na nga namang naistorbong mga tao si Baron. Ilang ulit na rin siyang nademanda at sinusuportahan naman siya ng kanyang pamilya sa lahat ng mga kaso at usaping legal na kanyang hinarap. Dumating na rin nga siguro ang panahon na napuno na rin maging ang kanyang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with