^

Pang Movies

Baron hahayaan muna sa kulungan ng mga kapatid!

Jun Lalin - Pang-masa
Baron hahayaan muna sa kulungan ng mga kapatid!

Ba­ron Geisler

Habang inaayos kung saang rehab dadalhin

Matagal na naming kakilala ang kuya ni Ba­ron Geisler na si Donnie Geisler na isang retired taekwondo athlete, pati ang misis niyang si Jen da Silva, kaya naman nang maglabas siya ng official statement sa kanyang Facebook account kung saan ay siya na mismo ang humingi ng public apo­logy sa issue na kinakasangkutan ng kanyang kapatid at brother-in-law, tinawagan na namin siya para alamin kung ano na ang plano nila kay Baron?

Ayon kay Donnie, nakakulong pa rin sa Angeles City Police Station 3 sa Pampanga si Baron dahil nga sa pang-aamok ng aktor sa harap ng bahay ng kanyang brother-in-law na si Michael Morales na mister ng kapatid nilang si Grace Geisler-Morales.

Sa ngayon, hahayaan muna ng pamilya ni Baron na manatili siya sa kulungan para mapag-isipan niyang mabuti ang mga maling nagawa.

“Hindi naman siya mapapahamak sa loob ng kulungan,” sabi pa ni Donnie.

Pero inamin ni Donnie na hindi naman nila puwedeng tiisin ang kanilang kapatid at sinabing pati ang brother-in-law niyang si Michael ay iuurong din naman ang reklamo laban kay Baron kapag napag­desisyunan na nila ang gagawin sa kanilang kapatid.

“Kapag nakainom kasi si Baron, nagka­kaganyan siya, kaya kailangan talaga namin siyang ipasok sa rehab. Mag-uusap kaming magkakapatid tungkol doon. Magdedesisyon kami kung saan siya puwedeng ipasok.

“Magtutulong-tulong din kami sa pam­bayad sa rehab para gumaling na si Baron sa prob­lema niya sa alak,” sabi ni Donnie.

Limang magkakapatid sina Donnie, Baron at Grace. Ang ate nila na si Angel ay nasa Amerika at si Anna naman ay sa Pampanga rin daw nakatira.

Pero paano kung hindi pumayag si Baron na pumasok sa rehab?

“Kailangan na naming kumuha ng court order kung hindi siya papayag. Hindi naman kasi puwedeng hindi siya magpa-rehab dahil sa problema niya sa alak. Kapag umiinom kasi si Baron, hindi lang naman isang araw siya umiinom,” sabi pa ni Donnie.

In all fairness to Donnie, sa naging takbo ng pag-uusap namin, kahit pa nabibilad sa kahihiyan ang kanilang pamilya dahil sa mga nai-post kamakailan ni Baron, wala pa rin siyang masamang sinasabi tungkol sa kanyang kapatid.

Ang mga nasabi lang sa amin ni Donnie ay ang kagustuhan nilang magkakapatid na tulungan si Baron para tuluyan na talaga itong makapagbago.

Marami rin namang mga kaibigan sa showbiz si Baron na katulad ng kanyang pamilya ay umaasang malalampasan pa rin ng aktor ang mga problema niya at matuloy na ang noon pa ay sinasabi nito na magkaroon ng another chance sa kanyang showbiz career!    

JM wala nang bakas na nag-bisyo

Ang isa namang aktor na nangakong magpapakatino na talaga at mukhang tuluy-tuloy na ang pagbabago ngayong nabigyan siya ng third chance sa showbiz ay si JM de Guzman.

Maganda nga ang mga nababalitaan ngayon tungkol kay JM lalo na sa bago niyang series na ginagawa sa ABS-CBN.

May pelikula ring gagawin sa Star Cinema ang aktor at may mga nagsasabing dapat din nilang gawin ni Angelica Panganiban ang part 2 ng That Thing Called Tadhana.

Sa hitsura ngayon ni JM, mukhang totally ay naka-recover na nga siya sa mga naging bisyo niya noon na sumira rin sa kanyang magandang career.

Yassi hindi nagbago ang ugali kahit sumikat na!

Maganda ang feedback sa pelikulang Ang Pambansang Third Wheel nina Yassi Pressman at Sam Milby.

Ang galing-galing ni Yassi sa pelikulang ‘yon ng Viva Films.

Actually, happy kami sa mga papuring natatanggap ni Yassi dahil sobrang bait ng babaeng ito.

Kung ano ang ugali niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, ganoon pa rin naman siya hanggang ngayon.

Napakaganda ng kanyang PR, kaya ‘yung mga nakasama na niya noong nagsisimula pa lang siya ay masayang-masaya sa kanyang tagumpay!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with