^

Pang Movies

Glaiza takot mawalan ng career kaya ayaw mag-BF!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Glaiza takot mawalan ng career kaya ayaw mag-BF!

Glaiza de Castro

Alam ni Glaiza de Castro na very big challenge ang pagtanggap niya ng new afternoon prime drama series na Contessa dahil sila ang papalit sa top-rating afternoon drama series na Ika-6 Na Utos. Bukod kasi sa mataas na rating nito, more than 14 months nang napapanood daily ang serye nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon hanggang sa naging Monday to Saturday na ito napapanood. Ano ang naging feeling ni Glaiza nang ibigay sa kanya ang project na alay sa mga kababaihan?

“Honored po ako nang malaman ko kung ano ang story ng Contessa,” say ni Glaiza. “At thankful po ako sa GMA na ibinigay nila sa akin ito, malaking responsibility pero naroon ang tiwala nila sa akin na magagampanan ko ito nang maayos at pangako ko po iyon sa kanila na hindi ko sila ipahihiya. Kung hindi man namin malampasan ang papalitan namin, ipagdarasal ko na mapantayan man lamang namin sila. ”

Natawa si Glaiza nang ibaling ang usapan sa kanyang lovelife, “Naku, hindi pa po full-time ang lovelife ko, baka mawala si Contessa. Dito po muna ang focus ko sa aming serye.”

As to her friendship kay Angelica Panganiban, ano ang advice niya sa best friend sa pinagdaraanan nito ngayon? “Wala po naman akong pwedeng i-advice sa kanya. The good thing is nandun ako para samahan siya.”

Sa Contessa, isa sa makakatambal ni Glaiza si Jak Roberto na una niyang nakasama sa Encantadia.  Kaya naman today, silang dalawa ang magkasamang magpu-promote ng teleseyes sa Tagum, Davao City para sa Araw ng Tagum sa Gaisano Mall at 3:00PM ng GMA Regional TV.

Gabby walang panahon sa pagiging bitter ni Sharon?!

Sa paglalabas ni Megastar Sharon Cuneta ng emotion niya after mapanood sa show ni Korina Sanchez ang interview sa kanya, naintindihan daw naman ng fans ang nararamdaman niya, pero sila na rin ang nagsabi na bakit hindi na lamang mag-move on si Shawie at ‘yun na lang mga magagandang memories nila ni Gabby noon ang alalahanin niya? 

Nagulat din sila nang tanggaling lahat ni Sharon ang mga post niya sa Instagram tungkol sa kanila ni Gabby. It seems daw sa fans na naka-move on na si Gabby nang pumayag itong gumawa ng commercial with her na balitang may dalawa pang episode na ipalalabas very soon.

Hanggang July 2018 pa ang contract ni Gabby sa GMA at may possibility na mag-renew siya nang makitang kausap sila ng manager niyang si Popoy Caritativo ng bosses ng GMA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with