^

Pang Movies

Bagani madaling i-justify!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bagani madaling i-justify!

Bagani

Talagang inupuan namin ang pano­nood ng Bagani para makita kung ano ang punto ng protesta ni Commissioner Ronald Adamat ng CHED (Commission on Higher Education) tungkol sa serye. Gumawa rin kami ng sariling research, ano ba iyang Bagani?

Nalaman namin na ang Bagani pala ay siyang tawag sa mga mandirigma noong araw, lalo na sa lugar ng Cagayan de Oro. Magiting na mandirigma, ang ibig sabihin ng Bagani.

Sa simula nga ay nadismaya kami roon sa computer generated image ng isang malaking ibon na akala mo sa anime. Mukhang cartoons. Pero nang malaunan, nakita namin ang kabuuan nang simula ng kuwento, kung papaanong sinanay at inihanda ang main character para maging isang Bagani.

Walang binanggit na Pilipinas, o anumang probinsiya. Basta may Taga-Laot, Taga-Bukid, Taga-Kalakal at Taga-Disyerto, at ang mga lahi o pangkat na iyan ang bumubuo ng Sansinukob.

Kung kami ang tatanungin, palagay namin madaling mai-justify ang gamit ng salitang bagani, dahil ang bida ay isang magiting na mandirigma.

Hindi rin namin maintindihan kung bakit nag-warning si Commissioner Adamat na hindi niya papayagang maipalabas ang serye maliban kung magpapaliwanag ang ABS-CBN sa kanya. Hindi sakop ng CHED ang mga palabas sa telebisyon. Ang dapat sanang ginawa niya ay sinulatan niya ang MTRCB at iyon ang pinabayaan niyang pumigil sa serye kung talagang kailangan. Hindi naman kasi makakapagpalabas ng kahit na ano ang ABS-CBN kung walang permiso ng MTRCB.

Ngayong naipalabas na ang serye, ano pa ang magagawa ni commissioner?

Goma malaki ang kita sa pagpi-pinta

Nagulat din kami nang may magsabi sa amin na ang isang painting ni Mayor Richard Gomez, na nakasama sa isang exhibit ay ibinebenta sa halagang P196,000 at marami raw ang nagtatanong at interesadong bilhin iyon.

Iisipin mo nga bang aabot sa ganyan ang kakayahan ni Goma bilang isang pintor, na ang kanyang mga obra ay binibili sa ganyan kalaking halaga? Magkano na kaya ang magiging halaga sa ngayon ng mga sketches na ginagawa ni Goma noong araw? Kung ganyan na kalaki ang presyo ng kanyang obra, ang mga orihinal niyang sketches ay ilang libo na rin ang halaga.

Doon kasi sa mga unang obra mo makikita talaga ang pinagsimulan ng talino ng isang pintor. Kaya nga kung minsan, iyong mga unang gawa na sa simula ay walang pumapansin, pagdating ng araw ay mas mataas pa ang presyo. Aba, maliwanag na mas malaki pa ang kikitain ni Goma bilang isang pintor kaysa sa pagiging mayor niya.

Gustong mag-ala Rita Moreno, mga lumang gown na gawa ni Pitoy inilabas ng mga sosyalera

Ang tsismis, marami raw mga sosyalera na nagpadala na ng kanilang mga gown na gawa ni Pitoy Moreno sa dry cleaning, ibig sabihin isusuot din nila iyon, at take note, palumaan sila.

Mayroon pa raw isang terno na mas nauna pa sa 56 years old gown ni Rita Moreno. Alam naman ninyo ang mga Pinoy, kung ano ang uso, kung ano ang pinag-uusapan, doon sila.

Bigla ring naglabasan ang mga dating models ni Mang Pitoy, na lahat ay may kanya-kanyang kuwento tungkol sa Fashion Czar of Asia. Ngayon umiiwas silang magsuot ng maong, dahil sinasabi nila na ayaw ni Mang Pitoy ng ganun.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with