^

Pang Movies

Kylie nagpapayat na, naghahanda sa kasal nila ni Aljur

Jun Lalin - Pang-masa
Kylie nagpapayat na, naghahanda sa kasal nila ni Aljur

Kylie Padilla

Mukhang pinaghahandaan na ni Kylie Padilla ang nalalapit na kasal nila ni Aljur Abreni­ca.

Sabay na nag-e-exercise ang dalawa.

Noong Sunday, sinamahan ni Aljur sa pagtakbo ang kanyang future wife at nanay ng anak niyang si Alas.

Mukhang inspirado si Kylie sa pagpapapayat dahil kailangan nga naman mas payat na siya pag humarap sa dambana.

Tambalang Maricel at Cesar bubuyahin 

Sigurado na raw na magkakaroon ng teleserye sa ABS-CBN si Maricel Soriano.

So, katulad ng kanyang Underage co-star noong araw na si Dina Bonnevie, nasa Kapamilya network na talaga uli ang Diamond Star.

Si Snooky Serna na lang na co-star din nila sa Underage ng Regal Films ang naiwan sa GMA 7.

Dahil hindi sila magkakasama sa isang TV network, malabong magkaroon talaga sila ng reunion sa telebisyon.

Sa pelikula na lang posibleng magkaroon ng reunion ang original Underage beauties.

Going back sa teleserye na gagawin daw ni Marya sa Dos, ang tsika, reunion project din daw nila ‘yon ni Cesar Montano na matagal niyang nakasama noon sa isang weekly sitcom ng Kapa­milya network.

Sandy ayaw makitang kasama ni Mariel

Kasamang dumating ni Mariel de Leon ang nanay niyang si Sandy Andolong sa management contract signing niya sa LVD Management & Consultancy Services ni Leo Dominguez.

Binibiro ng lahat na “stage mother” si Sandy at tatawa-tawa lang ang misis ni Christopher de Leon.

Nang makaalis na ang press people, ikinuwento sa amin ni Sandy na nagpasama lang sa kanya ang anak.

“Hindi n’yo na ako makikita sa mga susunod na event ni Mariel,” sey ng premyadong aktres.

Masaya si Sandy after ng welcome presscon ng management company ni Leo sa kanyang anak dahil nakita niya kung paanong nagustuhan ng press si Mariel.

 “Mabait si Mariel kung makikilala n’yo lang talaga. Sa mga anak ko nga, ‘yan ‘yung tipong after ng work, deretso na sa bahay. Saka siya ‘yung nagsasabi talaga kung nasaan siya kapag tinatanong ko,” kuwento pa ni Sandy.

Samantala, pagkatapos ng presscon ni Mariel, tumuloy na si Sandy sa kanyang check-up sa isang hospital. Quarterly check-up daw niya ‘yon after niyang ma-kidney transplant ilang taon na ang nakakaraan.

Parte pa nga rin pala ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN si Sandy, ang sitcom na iniwanan ni John Lloyd Cruz nang magdesisyon ito na pansamantalang mag-quit sa showbiz at pumisan kay Ellen Adarna

Ryza malabo na ang kapalaran sa Kapuso?!

Ang press launch kagabi ng GMA 7 sa bago nilang afternoon series na Contessa na pagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Matitigil na rin ang reklamo ng ibang viewers na masyado nang pinahahaba ang Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion dahil magtatapos na nga sila sa March 17 (Saturday).

May bagong show na raw na pinaplano para kay Gabby, pero ayon sa kampo ng aktor, sinabihan pa lang sila, pero hindi pa raw nailalatag sa kanila ang tungkol doon, kaya wala pa sila talagang idea kung ano ang magiging bagong show ng aktor. Si Sunshine, mukhang paborito rin naman sa Kapuso network kaya malamang na may bago rin siyang show pagkatapos lang ng maigsing panahon.

Si Ryza Cenon kaya, magkakaroon pa rin ng bagong show sa Siyete lalo na at wala na siya sa GMA Artist Center at ang Viva Artists Agency na ang manager niya?

Well…

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with