^

Pang Movies

Pinoy designer na pinagdamutan ng National Artist Award pinasisikat ulit ni Rita Moreno sa Oscars

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan sa buong mundo ang “Asia’s fashion czar” na si Pitoy Moreno. Lumitaw kasi ang gown na ginamit ng aktres na si Rita Moreno, na nanalong best Supporting Actress sa Oscars noong 1962 para sa pelikulang West Side Story, na suot ang nasabing gown sa katatapos lamang na Oscars na gawa pala ni Mang Pitoy.

Sikat na sikat ngayon si Rita Moreno sa fashion scene dahil sa pag-ulit niya ng gown at na-feature pa ito sa international media sites gaya ng CNN, USA Today, ABS Online, Vanity Fair etc.

Ang kuwento kung papaano nangyari iyon ay ganito. Noong 1962, gumagawa ng pelikula sa Pilipinas si Rita Moreno, kasama ang actor na si Van Heflin, ang Cry of Battle. Kuwento ang pelikula nung panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong World War II na base sa nobelang Fortress in the Rice na sinulat naman ni Benjamin Appel. Ang director nila ay si Irving Lerner.

Dito sa Pilipinas naganap ang shooting dahil dito naman talaga nangyari ang istorya, at isa pa, ang producer noon na si Joe Steinberg ay bayaw ng negosyanteng si Harry Stonehill na noon ay nasa Pilipinas. Sinasabing kasosyo rin si Stonehill sa pelikula. Natatandaan pa ba ninyo ang scandal noon ni Stonehill kung saan involved si dating Presidente Ferdinand Marcos at ang artistang si Dovie Beams?

Habang isinasagawa ang shooting dito, at saka lang nalaman ni Rita Moreno na nominated pala siya sa Oscars, wala siyang nakahandang gown kaya dali-daling dinala siya kay Mang Pitoy sa Malate, sinukatan siya at mabilis na iginawa ng isang gown na kanyang ginamit noong 1962 Oscars.

Iniwan sandali ni Rita Moreno ang shooting ng Cry of Battle para dumalo sa Oscars kung saan nga siya nanalong Best Supporting Actress. Nagbalik agad siya sa Pilipinas noong sumunod na araw matapos manalo ng Oscars. Marami ang humanga sa suot niyang gown na gawa ni Mang Pitoy. At ang American fashion designer na si Edith Head, na isa ring legend dahil sa pananalo ng walong Oscars para sa costume design ang siyang pumili mismo sa gown ni Rita Moreno bilang “most original design” noong gabing iyon (1962).

Nakakalungkot lang, ang isang taong kagaya ni Mang Pitoy, na kinikilala sa buong mundo ay naging biktima pa ng pulitika, dahil noong kinilala siyang National Artist, na-protesta pa siya ng ibang mga National Artist at mga militante kaya hindi naigawad sa kanya ang karangalan hanggang yumao siya.

Ilang taon na ang nakararaan, nakakuha kami sa DVD copy ng Cry of Battle, na binili lang namin dahil nakalagay sa cover, “shot entirely in Bataan, Philippines”. Kasama rin pala sa pelikula ang ilang magagaling na artistang Pilipino, naroroon sina Leopoldo Salcedo, Oscar Roncal, Liza Moreno at si Vic Silayan, at ang mga pangalan nila ay nasa credits ng pelikula. Hindi kagaya ng ibang mayayabang diyan na hindi naman pala nabanggit man lang ang pangalan. Para lang mga talent ni Josie Shoemaker ang labas.

Iyon ang panahong kinikilala ang ating mga artista na talagang world class, at ang mga artista natin ay nakukuha sa mga international films.

Ang huling Pilipinong artista na naging bida sa isang American movie ay si Tetchie Agbayani. Take note ha, kinilalang bida si Tetchie. Nagsimula siya sa pelikulang Emerald Forest, Money Pit at naging bida ulit sa Gymkata. With full credits iyan ha.

Kung iisipin mo, talaga namang magagaling ang mga artistang Pilipino. Magagaling ang mga fa­shion designers na Pilipino, nagtataka nga lang kami kung nasaan ang kagaya ng mga magagaling na iyan ngayon? Bakit sila nawawala at ang mga pumalit ay, aywan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with