^

Pang Movies

Angelica at Kim nagkaasaran sa volleyball

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angelica at Kim nagkaasaran sa volleyball
Kim Chiu at Angelica Panganiban

Kaaliw ang Instagram story ni Kim Chiu last Saturday kung saan ay makikitang nanood sila ng BFF na si Angelica Panganiban ng UAAP volleyball game sa Mall of Asia Arena.

Mahilig pala sa volleyball ang dalawang aktres at magkaiba sila ng bet na team. Si Kim ay La Salle team (DLSU) ang gusto habang si Angelica naman ay maka-Ateneo (ADMU).

Eh ang siste, nanalo ang La Salle that day kaya asar-talo si Angelica kay Kim.

Sa video ay makikitang ang saya-saya ni Kim papasok pa lamang ng arena. Sey niya, “Oh my gosh, this is it! UAAP, hello!”

Sa isang vid ay makikita namang nasa loob na sila ni Angelica’t nakaupo na at masayang sey na naman ni Kim, “Oh my God, guys, I made it!” habang tawa nang tawa habang ang BFF naman niya ay parang malungkot na although nakangiti naman.

Sa isang vid ay nagpasalamat naman si Kim kay Angelica sa panlilibre sa tickets.

In another video ay makikita na naman si Kim na nagsasabing “Oh my gosh, it’s so fun!” na sinagot naman ni Angelica ng “ano yung fun?”

Tila tapos na ang game that time at natalo na nga ang Ateneo.

Natatawang sey ni Kim, “ano’ng nangyari Mom (tawagan nila)?”

Sagot ni Angelica, “walang fun!”

Sa isang vid naman ay kino-congrats ni Kim ang La Salle for winning the game.

Throwback pa more Sharon tuloy ang paghahalungkat sa baul ng lumang picture!

Si Sharon Cuneta naman ay laging throwback ang drama sa kanyang mga social media accounts.

Kadalasang post niya ay mga old photos niya tulad na lamang ng last Saturday kung saan ay ipinost niya ang larawan niya noong teenager pa siya

Aniya, napagkakamalan daw siya noon na si Phoebe Cates na that time ay sikat na sikat na teen star sa Hollywood.

Sa pictures niya na ipinost niya, pati na rin ang larawan ni Phoebe Cates, makikita ngang magkahawig sila, the eyes especially, pati ang pag-smile.

“This is Phoebe (pronounced Fee-Bee) Cates. When I was a teenager, she and Brooke Shields were my favorite model-actors. Later on people would come up to me saying I looked like Phoebe, or magkahawig kami, or I reminded them of her or vice-versa. However you want to put it!

“There was a time we both had long, wavy hair and I think that was when the ‘biglang tingin’ resemblance reached its peak. It’s gotten so, that to this day members of my Megaband still call me ‘Phoebe.’ Wala naman akong magawa (dahil ayoko nga ideny!!! Hahaha!) kundi magdasal na sana ang mga nagsabing hawig kami ay wala naman palang katarata sa mata, o mataas ang grado ng mata, o may diperensya ang mata o bulag kaya napagkamalan kaming magkahawig.

“Kasi siyempre sino ba naman ang ayaw?! Maryosep. Kayo na ang humusga. Ako sa tingin ko, mas kamukha ko si Miss Universe na si Miss France. Pagbigyan n’yo nako sa ilusyon ko at kamukha naman s’ya ni KC eh ako naman mama nun! Okay? Thanks! Swipe left. (Hahahahahaha!),” ang caption ni Shawie sa mga larawan.

Sa comments section ay ang dami ring nag-agree na magkahawig nga sila ni Phoebe at may nag-comment pa na kaya pala paborito rin ni Gabby Concepcion ang nasabing Hollywood star.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with