^

Pang Movies

Lovi at Mariel magpapa-seksihan sa pelikula

Jun Lalin - Pang-masa
Lovi at Mariel magpapa-seksihan sa pelikula

Lovi Poe

Spotted sina Lovi Poe at Mariel de Leon sa isang restaurant sa may Timog Avenue, Quezon City kahapon.

Story conference ‘yon ng isang pelikulang pagsasamahan nila. Naroon din sa story conference sina Allen Dizon at Snooky Serna na makakasama nila sa pelikulang gagawin.

Sabi ni Mariel, excited siya sa pelikulang ito na follow-up niya sa very successful movie na Ang Panday ni Coco Martin.

Nang makausap namin si Mariel, very sweet naman pala siya at malayo sa sinasabi ng iba na may pagkamataray.

Napansin din namin na malaki ang hawig ni Mariel sa nanay niyang si Sandy Andolong.

Samantala, sabi ni Mariel, excited siya na makatrabaho si Lovi sa bagong pelikulang gagawin dahil marami raw siyang magagandang bagay na naririnig tungkol sa Kapuso actress.

Maganda rin daw ang sinasabi ng tatay niyang si Christopher de Leon tungkol kay Lovi dahil ilang beses na ring nakatrabaho ng premyadong aktor si Lovi.

Nakatakdang humarap si Mariel sa press people ngayong araw na ito dahil pipirma na siya ng management contract sa talent manager na si Leo Dominguez.

Sabi ni Mariel, gusto rin niyang mapalapit sa press people, kaya excited siya kapag may pagkakataon na makatsika siya sa mga ito.

Bela hindi na ilang kina Neil at Angel

Mismong common friends ng ex-sweethearts na sina Bela Padilla at Neil Arce ang nagsasabing okay naman ang dalawa kahit hindi na sila magkarelasyon.

Hindi rin naman dapat pagtakhan kung maging okey din sina Bela at Angel Locsin na current girlfriend ni Neil at nagkasama pa nga sila sa isang event kamakailan.

Actually, noong premiere night ng Meet Me In St. Gallen ay a-attend sana sina Neil at Angel, pero nagkaroon lang ng emergency ang una, kaya hindi na sila nakapunta roon.

Marami rin namang mag-ex ang nagiging magkaibigan pa rin.

Vilma kasama sa Filipino Achievers… 

Ang interview ng kongresis­tang mister ng dating child star na si Precious Hipolito sa Star for All Seasons na si Representative Vilma Santos-Recto.

Ayon kay Representative Winnie Castelo, para sa second edition ng book niya na Filipino Achievers On Their Heroes ang interview niya kay Ate Vi.

Sabi ni Rep. Castelo, “The book aims to inspire people specially the youth to work harder and realize their dreams.”

Sa mga artista na pumasok sa mundo ng pulitika, isa si Ate Vi sa well-respected at talaga namang matagumpay sa larangang pinasok niya!

Kapamilya stars aawra sa corridor

May pictorial ng ABS-CBN stars kahapon. May ibang stars din na nag-pictorial ng ibang araw naman.

Gagamitin daw ang mga litratong kuha roon sa corridors ng ABS-CBN studio. Idi-display ‘yon doon.

Hindi lang sigurado kung papalitan na ang mga picture frame ng iba’t ibang mga artistang noon pang 90’s naka-display roon.

Magkakaroon din daw ng exhibit ang mga picture na ‘yon sa isang mall somewhere in Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with