^

Pang Movies

Sobrang daring Nadine nagpasilip ng singit!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sobrang daring Nadine nagpasilip ng singit!

Nadine Lustre

Grabe ang pasabog ng kaseksihan ni Nadine Lustre sa Zambales sa Palawan for a watch/timepiece. Nagpasilip ng singit ang aktres sa kanyang pictorial na ipinost ng photographer na si Andrei Suleik.

Sa nasabing larawan ay makikitang nakalislis ang kalahating parte ng suot ni Nadine na white long dress at halos kita na ang kanyang private part.

Hindi lang isa, kungdi napakara­ming sexy photos ni Nadine naka-post sa Instagram and she’s really so freakin’ hot sa bawat larawan.

Puring-puri ng mga netizens ang natural beauty ni Nadine pati na ang toned skin niya. May nagsabing para siyang diwata at may nagsabi namang para siyang international model.

Pati ang singer na si Rico Blanco ay nag-comment at sinabing “tone” kasunod ang emoji na “okay”.

Ayon sa mga fans, crush daw ni Nadine si Rico noon pa kaya kinilig sila sa comment ng singer.

Pero siyempre, kung may mga pumupuri, mayroon ding mga haters na pumupunang masyado nang daring si Nadine. At may nag-comment pa na ito raw ang dahilan kung bakit ayaw niya sa aktres. Meron namang kabastusan na talaga ang komento.

But of course, ipinagtanggol naman si Nadine ng kanyang mga fans against the haters at talagang umuusok ang comments section sa pang-aaway nila sa mga bashers.

Samantala, sa March 31 na pala ang playdate ng Never Not Love you ng JaDine directed by Antoinette Jadaone na matatandaang kinunan pa sa London ang ilang mga eksena.

Sa nasabing movie ay mas daring na raw ang JaDine at sa trailer pa nga lang ay marami nang kissing scenes ang makikita.

“There’s more intimacy kasi between our characters so mas intimate siya,” sey ni Nadine sa huling TV interview nila.

Ayon naman kay James, “I can really say, this is one is definitely more mature.”

Ito ang comeback movie ng JaDine matapos ang This Time noong 2016.

Bukod sa comeback project sa big screen, inaabangan din ng fans nila kung kailan naman sila magbabalik sa telebisyon dahil ang huling serye pa nila ay Till I Met You noong 2016 pa rin.

Ayon kay James, “we don’t have time, I still have Pedro (Penduko) at the end of this year, and I’ve to pick up the training again and hopefully be in shape for the movie. I’m not gonna be big but I just have to be fit.”

Bukod dito ay ginagawa rin ni James ang Miss Granny with Sarah Geronimo and Xian Lim.

Yassi takot pang ma-in love

Ayon kay Yassi Pressman ay hindi naman daw siya pihikan sa pagpili ng magiging boyfriend. Kung sakali man daw na may dumating, ang gusto lang daw niya ay mabait, maalaga at dapat ay mahal ang family niya.

Pero sa ngayon daw ay ayaw na raw muna niya talagang makipag-boyfriend dahil unfair naman daw sa guy kung hindi niya maibibigay ang 100% niya since sa career nga siya naka-focus ngayon.

Natawa na lang si Yassi nang tanungin kung may trauma ba siya sa failed relationship nila ni Sef Cadayona.

“Nakakatakot lang pong magmahal, ‘yun lang,” sambit na lang ng bida ng Ang Pambansang Third Wheel opposite Sam Milby na showing na sa March. 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with