^

Pang Movies

Pasok sa Miss Saigon, Aicelle Santos papalitan sa trono si Rachelle Ann!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pasok sa Miss Saigon, Aicelle Santos papalitan sa trono si Rachelle Ann!

Aicelle

‘Sunud-sunod ang blessings na dumarating sa career ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos.

Nakatanggap ng magandang balita si Aicelle na isasama na siya sa UK Tour  ng Miss Saigon at binigay sa kanya ang role na Gigi Van Tranh.

Ito ang same role na binigay kay Rachelle Ann Go noong 2014 nang muling magbukas ang Miss Saigon sa London’s West End.

Sabay nag-audition para sa musical na Miss Saigon sina Rachelle  Ann at Aicelle noong 2013. Umabot sa final round ang dalawa kasama ang isa pang Kapuso singer na si Frencheska Farr.

Nag-back out noon si Aicelle dahil gagawin niya ang musical play ng Katy.

Kaya si Rachelle Ann ang ma­suwerteng napili para sa role na Gigi at namayagpag ito sa Miss Saigon in both the West End at Broadway production.

Nagawa pang lumabas ni Rachelle Ann sa Les Miserables in London sa role na Fantine. Ngayon ay kasama siya sa musical na Hamilton sa London.

Hindi malayong maulit ang suwerte na iyon kay Aicelle dahil hasa na ito sa paglabas sa mga local musical tulad ng Rak of Aegis, Katy: The Musical, Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag at Himala: Isang Musikal.

Nakasama rin si Aicelle sa musical film na Ang Larawan.

Within this month na ang alis ni Aicelle, pero tatapusin muna niya ang Himala: Isang Musikal na tatakbo pa hanggang March 11.

Magsisimula na si Aicelle ng kanyang training para sa role of Gigi para sa Miss Saigon tour ng UK at Switzerland.

Dahil sa magandang development sa career na ito ni Aicelle, hindi kaya mapagpaliban muna ang planong pagpapakasal nito sa fiancé na si Mark Zambrano sa taong ito?

Marvin hindi na kinaya ang bashers!

Isa sa hindi matanggap ang excessive na bashing ng mga netizen sa social media ay ang aktor na si Marvin Agustin.

Disappointed nga ang Kambal, Karibal kontrabida sa mga nababasa niyang pamba-bash ng maraming netizens sa ilang mga celebrities.

Kabilang na rin kasi si Marvin na nakakatanggap ng bashing dahil sa mga naging issues sa kanya.

Kaya sa kanyang Twitter account ay nag-rant ang aktor tungkol sa hindi magandang gawain na ito.

Ayon pa kay Marvin, kahit na gumagamit ng ibang pangalan ang mga internet trolls na ito, alam niyang may nagbabayad sa mga ito para mang-bash ng mga celebrities.

Heto ang magkakasunod na tweets ni Marvin:

“I’ve been reading some negative posts from people. Bashing and attacking. I just want to say na, pwede naman kayo di maniwala sa mga ibang tao pero ‘di nyo kailangan mambastos.

“Pwede kayo magkaroon ng strong or even opposing opinion and views about other things but dont curse or be evil on raising your concerns and insights. Wag please. Pagsisihan nyo yan.

“You may be using an account na di ka nakikilala kaya mas matapang ka maging masama pero you are damaging yourself, your soul. Your thoughts become your words, your words into action. And your action will define your character.”

Hollywood actress na si Heather Locklear arestado sa panggugulpi sa boyfriend

Inaresto kamakailan ang Hollywood actress na si Heather Locklear sa kanyang tahanan sa Thousand Oaks in California.

Ayon sa report, kinasuhan ang aktres for one count of felony domestic battery and three counts of battery for allegedly attacking three responding Ventura County Sheriff’s deputies.

Nakatanggap ang mga police ng tawag mula sa bahay ni Locklear at around 9:30 PM dahil may nagaganap na domestic incident sa pagitan ng aktres at ng boyfriend nito.

Dinala sa presinto si Locklear pagtapos makakita ng ebidensiya na sinaktan nito ang kanyang boyfriend.

Naging “extremely uncooperative and physically combative” daw ang aktres habang nasa presinto ito.

Dinala pa si Locklear sa ospital para mabigyan ng paunang lunas ang mga natamo niyang sugat.

Nakapagpiyansa si Locklear sa halagang $20,000 at naka-set siyang humarap sa korte on March 13.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with