^

Pang Movies

Male starlet napapayag magpagamit kapalit ang anim na buwang sustento

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na pinag-iisipan na ng male starlet na ito ang offer ng isang mayamang beki na mag-private show ito sa kanyang malapalasyong bahay?

Dahil sa kakulangan ng trabaho sa showbiz, napag-alaman ni rich beki na nangangailangan ang male starlet na ito ng dagdag na raket dahil hindi sapat ang nilalabasan nitong show.

Marami raw kasing gastusin si male starlet. Kahit na independent siya mula sa kanyang pamilya na nasa ibang bansa, nahihirapan pa rin siyang i-budget ang araw-araw niyang gastusin.

Dumaing ang male starlet sa isang friend na ihanap siya ng raket. Kahit na raw labag sa kalooban niya, handa na siyang magpagamit ng katawan sa kahit sinong makakatulong sa kanya sa mga gastusin niya.

Nataon na ang friend ni male starlet ay dating boytoy ni rich beki. Ngayon kasi ay nagiging booker na lang siya ng mga boylet para kay rich beki.

Ipinarating nito kay rich beki ang problema ni male starlet at type naman daw ni rich beki ito dahil napapanood niya ito sa isang TV show noon.

Hiling ni rich beki na sasagutin niya ang buwanang gastusin ni male starlet for six months, pero every weekend ay sa bahay mag-stay si male starlet at bibigyan siya ng private show. May bayad naman daw every week si male starlet sa gagawin nitong private show.

Pinag-isipan ng mabuti ni male starlet ang offer ni rich beki dahil malaking tulong din na may aako ng mga gastusin niya ng kalahating taon. Makakapag-ipon siya ng maayos.

Wala naman daw mawawala kay male starlet kaya mukhang papayag naman siya.

Kaya huwag magulat kung kada weekend ay hindi mararamdaman ang male starlet sa isang show, ibig sabihin ay may sarili siyang show na ginagawa sa ibang lugar.

Jeric ikinahihiya ang apat na pirasong abs

Dahil summer na, marami nang showbiz hunks ngayon ang dini-display ang kanilang mga rock-hard abs sa social media.

Hindi lang kasi ang mga babae ang nagpapasikat ng kanilang well-toned bikini-ready body kung hindi pati mga lalaki ay obsessed sa pagpapakita ng kanilang pinaghirapang ma-achieve na katawan dahil sa kanilang pagwu-workout.

Kabilang sa mga madalas mag-post ng kanilang mga magagandang katawan ay sina Derrick Monasterio, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Kristoffer Martin, Daniel Matsunaga, Ruru Madrid, James Reid, Marco Gumabao, Kiko Estrada, Benjamin Alves, Mikael Daez, at marami pang iba.

Isa sa tingin namin na may karapatang magpakita ng kanyang katawan sa social media ay ang Kapuso actor na si Jeric Gonzalez.

Panay ang workout niya at nakikita naman ng marami na malaki na ang improvement sa kanya physically.

Pero ayon kay Jeric, nahihiya raw siyang mag-post nang nakahubad siya sa social media.

“Kulang pa kasi ang abs ko! Apat pa lang. ‘Di ba dapat anim siya!

“Ayaw pang lumabas ng dalawa, eh. Kaya konting workout pa!” tawa ni Jeric.

Dagdag pa ng Kambal, Karibal star na hindi raw niya nakaugalian mag-post sa social media na wala siyang shirt.

Anyway, masayang-masaya si Jeric dahil sa mataas na ratings na nakukuha ng Kambal, Karibal sa primetime. Marami pa raw kababalaghan na mangyayari sa istorya ng kambal na sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) kaya dapat itong tutukan mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi.

Kylie Jenner niregaluhan ng dyowa ng P73-m ang halaga

Hindi lang si Baby Stormi ang naging magandang regalo para kay Kylie Jenner kung hindi isang luxury car na nagkakahalaga ng $1.42 million o mahigit P73-M!

Noong nakaraang February 24, ipinost ni Kylie sa Instagram Story ang short video clip ng kanyang bagong black Ferrari LaFerrari model at nilagyan niya ito ng caption na “Push Present”.

May butterfly doors at plush red interior ang mamahaling sasakyan ni Kylie.

Ayon sa isang source, regalo raw ang sasakyan ng baby daddy ni Kylie na si Travis Scott.

Hindi ito ang first time na niregaluhan si Kylie ng mamahaling kotse. Noong 18th birthday niya, niregaluhan siya ng kanyang ex-boyfriend na si Tyga ng $320,000 Ferrari 482 Italia. Noong mag-19 naman siya, niregaluhan siya ng $200,000 Maybach Mercedes.

Nagkasama sina Kylie at Travis sa isang family lunch sa Nobu Malibu. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa pagkatapos maisilang si Stormi.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with