^

Pang Movies

Sobrang takot sa dugo, papasikat na actor binata na nang magpatuli

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Okay naman ‘yung papasikat na young and handsome actor dahil ma-PR siya, magaling umarte at may ibubuga sa pagmanta. Tantiya ko ay nasa 18-20 years old na siya, pero 15 years old na pala siya nang siya ay magpatuli. No malice, huh! Sa hospital pala siya hiniwa, hindi pukpok kasi takot pala si actor at ang parents niya sa dugo.

Sino ititz? Hulaan niyo!

Throwback films ni Ian sunud-sunod na pinalalabas 

Ilang action movies na sa C-1 Originals ang napanood ko na si Ian Veneracion ang leading man. Kalokah! Ang galing palang action star ni Ian.

Sayang dahil sa ilang pelikulang napanood ko, hindi ko naisulat ang mga title nito.

Grabe ang mga eksena na napanood ko noong Friday night kung saan isang katiwala sa restaurant ang role ni Ian na isa siyang sintu-sinto.

Nakakasuka ‘yung ginagawang pagtsa-chop sa mga parte ng katawan na pinapatay ni Ian, ibinababad sa freezer at ginagawang lutong ulam. E, ang mga police na parokyano ay sarap na sarap sa barbeque na kinakain nila, ‘yun pala ay karne na ito ng tao! Eeew!

Pero grabeh pala sa action routine si Ian. Ang galing niyang mag-stunt, mahusay humawak at magpaikut-ikot ng baril at sumuntok ng ala-Fernando Poe Jr. Bagay sa kanya ito dahil matikas, matangkad at gwapo siya.

Sanya pahinga na sa iyakan

Salamat at tapos na sa ere ang Haplos ng GMA 7. Mapapahinga na si Sanya Lopez sa pag-atungal.

Magaling na artista si Sanya pero nakakapagod ‘yung konting kibot ay umiiyak na siya.

Anyway, isa pang serye na e-exit na ay ‘yung Ika-6 Na Utos. Nagpalakpakan ang mga ka-friendship ko nang malaman nilang magwawakas na ang kasamaan ni Ryza Cenon. Pero mas asar sila kay Pen Medina na pinalampas ‘yung chance na mapatay si Sidney.

Konting tiyaga na lang at off the air na ang Ika 6 Na Utos. Pasasaan ba’t kabutihan pa rin ang mananaig sa pagtatapos ng serye.

Haisst! ayoko na ng malaking TV para wala nang kapitbahay ang makikipanood! Ganern! Kalokah.

Odette ugaling bakla rin!

Wala pa rin talagang kupas si Odette Khan, ang Best Supporting Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies 2018. Napakagaling na artista at napaka-propesyonal. Siya pala ‘yung tipong, kapag nasa set na ng kahit anong movie o TV shows, alam na niya ang kanyang gagawin sa harap ng camera. Alam na niya ang mga linyang bibigkasin at kung magkamali man siya ay bibihirang mangyari.

Alam din agad niya ang mga ikikilos niya sa taping o shooting. Sa totoo lang, inis ako kay Odette noong hindi ko pa siya gaanong kilala, ito ay dahil mayabang ang dating niya sa akin.

Napagkamalan ko pa siyang lawyer dahil malakas ang boses niya at Inglisera. Pero finally nakilala ko siya at naging close kami sa isa’t isa, naku! Manggugulat pala siya at ugaling vaklah! At kabaliktaran ng malimit na role niyang salbahe dahil in real life mabait siya at may puso. ‘Yan si Odette Khan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with