^

Pang Movies

Miguel at Bianca ayaw pang magligawan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Miguel at Bianca ayaw pang magligawan!

Miguel Tanfelix at Bianca Umali

Dahil sa mataas na ratings ng Kambal, Karibal, aminado si Miguel Tanfelix na lalo siyang na-inspire na magtrabaho.

Maging ang loveteam nila ni Bianca Umali ay patuloy na tumataas dahil sa serye kaya naman masayang-masaya ang young actor.

Ano naman ang reaksyon niya sa tsikang may mga araw na tinatalo na raw nila ang KathNiel (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla) ng La Luna Sangre na katapat nilang serye?

“Masaya, masaya. Unexpected kasi noong una talaga, sobrang nagda-doubt din ako. Well, La Luna Sangre, ‘yung story nila, sobrang established na, kami, bago pa lang. So, ginawa lang talaga namin ‘yung best namin,” pahayag ng young actor.

May nagbago ba sa kanilang dalawa ni Bianca sa walong taon nilang pagkakakila simula noong mga bata sila?

“Marami, maraming pagbabago kasi noong una, talagang we were different kung paano kami today sa una kaming nagkakilala before. Kasi si Bianca, masungit siya dati and talagang sobrang layo naming sa isa’t isa.

“Kung titingnan mo ‘yung past n’yo hanggang ngayon, sobrang iba talaga. Nakakatuwa. Malaki ang ipinagbago,” he said.

Pati ang relationship daw nila bilang magka-loveteam at magkaibigan ay nagle-level-up din at araw-araw daw ay may natututunan sila sa isa’t isa.

Hindi naman niya idene-deny na crush niya noon pa si Bianca at sumasagi rin sa isip niya na ligawan ito one day.

“Pero sa ngayon, focused pa kami sa career namin,” he said.

Bianca kabado sa debut!

Magde-debut pa lang si Bianca sa March 2 which means, talagang bata pa siya at hindi pa dapat makipag-boyfriend. Kaya naman gusto naming paniwalaan na wala pa talaga silang relasyon ni Miguel at talagang magkaibigan pa lang sa ngayon.

Ayon kay Bianca, sa Sorsogon siya magse-celebrate ng kanyang 18th birthday kasama ang kanyang pamilya. Double celebration nga bale dahil ikakasal din daw ang kuya niya roon. Bukod dito ay bakasyon na rin. From March 2-5 daw sila magi-stay doon.

Ang malaking party raw niya ay sa March 17 pa pero ayaw niyang sabihin ang iba pang detalye dahil secret daw muna.

Aminado siyang kinakabahan siya sa papalapit na pagde-debut niya pero hindi naman daw niya alam kung bakit.

When asked kung may magbabago ba sa kanyang career ngayong 18 na siya like halimbawa ay pwede na ba siyang tumanggap ng medyo mature role, aniya ay depende naman sa magiging offer at hindi naman daw siya namimili ng trabaho.

What if alukin siya ng medyo sexy na since dalaga na nga siya?

“Depende sa lola ko,” sambit niya.

As we all know, ulila nang lubos si Bianca at ang kasama na lang niya sa buhay ay ang lola niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with