^

Pang Movies

Rhian nasasapawan sina Lovi at Max?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rhian nasasapawan sina Lovi at Max?!
Rhian

Happy ako para kay Rhian Ramos dahil napapansin ang acting niya sa The One That Got Away. In love na in love sa Zoe character ni Rhian ang viewers ng TOTGA dahil sa nakakatawa at luka-luka na role niya.

Actually, magaling talaga na artista si Rhian as in kahit ano’ng role ang ibigay sa kanya, nagagam­panan niya nang buong husay.

Worried nga ang production staff ng TOTGA dahil sa comparison na nangyayari kina Rhian, Lovi Poe, at Max Collins.

Walang dahilan para mag-alala ang staff dahil hindi sila basta magpapaapekto sa mga pang-iintriga sa kanila.

Fans nanibago sa hitsura ni Renz

Si Renz Fernandez ang latest addition sa cast ng TOTGA.

Nanibago kay Renz ang fans dahil wala siyang bigote at balbas sa mga eksena niya sa primetime show ng GMA 7.

Ang pagiging clean cut ni Renz ang reason kaya bagets na bagets ang hitsura niya at lalong gumuwapo sa paningin ng televiewers.

Anne ipinagtapat ang past nila ni Chubi

Si Chubi del Rosario pala ang puppy love ni Anne Curtis noong 14 years old pa lamang ito.

Si Chubi ang madalas na kapareha noon ni Anne sa mga television show at pelikula ng Viva Films.

At dahil mga bagets pa sila, hindi naging seryoso ang puppy love nila.

Missing in action na si Chubi sa showbiz pero active at sikat na sikat pa rin si Anne sa showbiz.

Ipinagtapat kahapon ni Anne sa It’s Showtime ang past nila ni Chubi.

Bagong negosyo nina Gladys at Christopher, bubuksan na

Ngayon ang soft opening ng Estela, ang bagong business venture ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Ang Estela ang newest restaurant sa Brickroad sa Sta. Lucia, Cainta, Rizal.

Iniimbitahan nina Gladys at Christopher na i-try ang restaurant nila dahil masasarap ang mga pagkain.

Mga Spanish-American at Pinoy food ang specialty ng ipinagmamalaking restaurant ng mag­dyowa.

Make-up transformation lang…

Nagkita na pala noon si Maine Mendoza at ang transgender woman na nanggaya sa kanya, sumali, at nanalo sa Super Sireyna ng Eat Bulaga noong Biyernes.

True ang observation ni Maine na pareho ang bibig nila ng gay contestant pero tama rin ang sinabi ng fans niya na malaki ang kinalaman ng make-up kaya naging kalokalike siya ng Super Sireyna winner.

Lumabas kasi ang picture ni Maine at ng impersonator niya. Napatunayan ng fans na parang make-up transformation lang ang ginawa ng gay dahil kitang-kita na hindi sila magkamukha ni Maine, maliban sa similarity ng kanilang mga bibig.

vuukle comment

RHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with