^

Pang Movies

Ruru ramdam na hindi pa rin iniiwan ni Direk Maryo

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Malaki na rin ang panalong datung ni Ruru Madrid sa Sunday show na All Star Vi­deoke ng GMA7 na almost P183,000 na madadagdagan ng brand new car sakaling palarin siya sa darating na Sunday show, kaya pwede namang half ng winning money ay kunin na niya, pero mas gusto na niyang isabay na ito sa mapapanalunang brand new car.

Sure na ang panalo ni Ruru, dahil magaling pala siyang kumanta at memo­r­yado niya ang lyrics ng mga kantang pinaghuhugutan para makumpleto o mabuo ang isang awit.

Teka, kamamatay lang ng kanyang mentor at tatay-tatayan na si Direk Maryo J. delos Reyes, na matagal din siyang inalagaan at inilagay sa wastong paraan at marahil siniguro ni Direk Maryo na mawala man siya sa buhay ni Ruru, hindi na ito magiging kawawa.

May paniwala kami na nakasubaybay sa kanya ang yumaong direktor at dinidiktahan siya ng mga letra ng mga kantang lahok sa show.

Ngayon ay humihingi ng gabay si Ruru ka Direk Maryo, at nararamdaman daw niya na nasa paligid ito.

Hindi pa rin siya iniiwanan ni Direk Maryo J. delos Reyes. Rest in peace Direk Maryo.

Enforcers ng MMDA humihirit din ng umento

Masaya ang mga sundalo at kapulisan, specially ang kanilang pamilya dahil may blessing na ni President Digong Duterte ang umento ng kanilang sweldo. In other words, malaking biyaya at tulong ito sa kanilang kabuhayan na madagdagan ang kanilang sweldo.

Ganun pa man, may iba pang nagdarasal na sana raw ay sila naman ay mabiyayaan din ni Tatay Digong, sila ang mga task enforcer ng MMDA.

Sila yaong mga naka-uniporme ng blue na makikita sa mga lugar o kalsada na nagbabantay sa mga sasakyan, umaalalay sa mga pasahero at sinasamahan sa pagtawid ang mga senior citizen. Nandiyan sila sa LRT, MRT, kahabaan ng Edsa, Pasay City, sa may Balibago Sta. Rosa, Laguna at marami pang lugar na delikado.

Dasal ng mga traffic enforcer na sana raw ay sila naman ang tulungan ni President Digong. Why not?

Sabi nga ng isang maybahay ng traffic enforcer na si Theodora Roseboro na nakadestino sa Ortigas, kapos sila sa daily needs nilang mag-aanak.

Nota nina Gabby, Rafael, at Rocco bidang-bida

Pansinin mo nga naman, puro nota pala ang bida sa tatlong series ng GMA 7. Sa bagay pa-exit na ang Ika 6 Na Utos kung saan ang nota ni Gabby Conception (bilang Rome) ang malimit na pag-awayan nina Sunshine Dizon (Emma) at Ryzza Cenon (Georgia) at sa Impostora naman, si Rafael Rosell (Homer) ang pinag-aagawan nina Nympha at Rossette na parehong ginagampanan ni Kris Bernal sa seryeng Impostora.

Sa Haplos, nota naman ni Rocco Nacino (as Gerald) ang pinanggigigilan nina Thea Tolentino at Sanya Lopez. Buti na lang ay dumarami ang eksena nina Pancho Magno (Benedict) na siya ngayong nagnanasa kay Sanya.

Well, abangan na lang natin ang mga huling natitirang episodes sa tatlong series na ito at kung sino ba sa kanila ang magwawagi sa kanotahan ng kanilang mga lalaking minimithi. Ganern?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with