^

Pang Movies

Angel binati ang ginawa ni Marian!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel binati ang ginawa ni Marian!

Angel

Bumati si Angel Locsin sa pag-renew ni Marian Rivera ng bagong kontrata sa GMA Network. Idinaan ni Gel ang komento niya sa nakaraang post ni Yan sa Instagram.

Simpleng, “Congrats Yan” ang pinaabot na mensahe ni Angel na may kasamang emoticon na puso.

Tinugunan naman ito ni Marian ng emojis din. Bukod kay Angel, bumati sa kanya sina Vina Morales at Sherilyn Reyes.

Nu’ng lumayas si Angel sa GMA, nakapasok si Marian sa iniwan niyang posisyon. Naging big star si Yan dahil sa ginawa niyang Marimar na sinundan pa ng Darna at Dyesebel. Mula noon, tinawag na GMA Primetime Queen si Marian na dating hawak ni Angel.

Ang maganda lang kina Angel at Marian, kahit pilit silang pinagsasabong noon, may nabuong tunay na friendship sa kanilang dalawa at naging daan pa para magsama sila sa isang cosmetic commercial.

Anne at Lovi waging 2017 Most Stylish

Cover girls ng isang sikat na fashion magazine sina Anne Curtis at Lovi Poe dahil silang dalawa ang ti­naguriang Most Stylish ng 2017 para sa issue nito ngayong February.

Ayon sa Instagram ng MetroMagPH, tied for the first place sina Anne at Lovi. Ilan sa hinahangaan nilang OOTD ng Kapuso actress ay nu’ng dumalo sa kasal nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris at ‘yung suot niya nu’ng magkita sila sa isang event sa Venice ng Hollywood actor na si Eddie Redmayne.

Ang pagiging stylish ni Lovi ay nakikita sa GMA series niyang The One That Got Away.

Si Anne naman ay nagpasalamat sa magazine dahil sa pagpili nila sa top spot sa kanya. “I love my look! Meoww,” saad ni Anne sa cover ng mag na inilabas niya sa kanyang Instagram.

Noli de Castro sampalatay sa tabloid

Dapat saluduhan si Kabayan Noli “Boy” de Castro dahil sa payo niya sa ilang Department of Health officials na ipalaganap ang public information nila sa tabloids upang umabot ito sa masa na readers ng tabloid.

Dahil sa kontrobersiyang nilikha ng dengue vaccine, nahihirapan nang kumbinsihin ng health officials ang mga tao lalo na sa probinsiya upang himukin ang mga tao s?a? ibang vaccine na projects nila gaya ng anti-pneumonia at iba pa.

May mga tao pa rin kasing nanlalait sa kakayahan ng tabloid na maghatid ng balita sa malalayong lugar at sa mga masa.  Pikit-mata ang mga taong ito sa kakayahan ng tabloid upang magbigay ng impormasyon sa mga tao.

Kaya si Noli Boy, pinayuhan ang health officials na ilabas sa tabloids ang kanilang proyekto nang sa gayun eh makarating ito sa mas maraming tao particular na sa malalayong pook.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with