^

Pang Movies

January mahalaga para sa mga deboto

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Masaya ang buwan ng Enero dahil ipinagdiriwang ang feast day ng Itim na Nazareno ng Quiapo at Sto. Niño.

Taun-taon ang selebrasyon ng Itim na Nazareno tuwing ika-9 ng unang buwan ng taon na dinarayo ng libu-libong deboto. Siya ang takbuhan ng mga taong may problema at mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Siya rin ang takbuhan ng mga may sakit at problema sa buhay. Very miraculous ang Itim na Nazareno.

After a week naman ay feast day ng mahal na Sto. Niño na idinaraos sa Cathedral ng Binondo at ilang bahagi ng Tondo. Dinarayo rin ito ng maraming tao maging kahit hindi mga deboto.

Mga apo ni Imelda may pinagmanahan

Masaya rin ang pagdaraos ng kaarawan ng OPM Queen at ngayon ay pangulo ng Actors’ Guild na si Imelda Papin. First time niyang magdaos ng kaarawan kasama ang kanyang mga apo represented their parents na kapatid ni Mel na sina Eileen, Gloria, anak na si Maffi na busy sa trabaho sa Amerika. Ang kanyang kapatid lang na si Bobby at loyalist na si Fely ang nakita namin noong gabi sa Icon Hotel.

In all fairness sa mga apo niya huh, ang gagaling kumanta.

Marami ang bumati at nakisaya sa kanya at nakita ko rin si Val Iglesias na isang napakahusay na stuntman noon.

Napaiyak pa si Imelda dahil sa kasiyahan ng kanyang birthday celebration. Sabagay, parang kick off party na ito ng Actor’s Guild sa maraming naka-line up na project tulad ng PhilHealth, Pagibig, SSS para sa benefit ng members ng grupo.

Direk Maryo napakamaalalahanin

Malungkot ang huling linggo ng Enero dahil sa pagkawala ni Maryo J. delos Reyes. Eternal Rest grant unto the soul of him and let perpetual light shine unto him, oh Lord. May he rest in peace now and forever. Amen! 

Huling yakap at beso namin kay direk Maryo noon pang presscon ng Sherlock, Jr. na palabas na sa GMA 7 at pinagbibidahan ng anak-anakan niyang si Ruru Madrid.

Kalungkot talaga dahil kung kailan pa magbibida si Ruru ay saka pa pumanaw si direk Maryo.

Sabi ni direk Maryo nang magkita kami sa presscon na ingatan ko raw ang aking sarili, magpalakas, at magpataba. ‘Yun pala, last hug and kiss at pag-uusap na namin ‘yun.

Paalam direk Maryo, mananatili ka sa aming puso at isipan. Condolences sa relatives at mga mahal sa buhay ni direk. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with