^

Pang Movies

Aktor laway na laway sa aktres na mahilig magpa-cleavage

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naglalaway daw ang isang matured actor tuwing nakikita niya ang aktres na tulad niya ay matured na rin. Lalo na raw kapag naka-mini-dress, skirt, or short, at higit sa lahat lalo na daw kapag nakabuyangyang ang cleavage ng aktres. Sagot ko sa mahaderang tsuffatid, at least naglalaway lang sa bibig at hindi barurot niya ang naglalaway! Ang totoo, style talaga ni aktres ang ganoong ayos, papansin baga!

Bagong segment ng Bulaga imposibleng may manalo!

May bagong nakakaaliw na game segment ang Eat Bulaga, ang The Lucky One kung saan kinakailangan ito ng matinding focus at pwede kang makapag-uwi ng P50,000 hanggang sa lumago nang lumago ang pera. Kailangan kasi ay mai-shoot ang ring sa bote.  E, sa liit naman ng bote at ang ring na ihahagis ay sa palagay ba ninyo ay may makakagawa nito? Kahit anong galing ng pulso ng contestant, parang imposibleng ma-shoot niya ang hawak na ring. Maliban na lang kung may milagro o magic.

Corney diba, Ryan Agoncillo, Luan & Pia. Waley! Luhaan ang mga contestant. Okay sana kung bago maglaro or mag-shoot, may pakimkim na kahit magkano lang. Consuwelo de bobo! Tulad ng mga laro sa Wowowin na agad-adad na ibinibigay ni Willie Revillame.

Joshua parang patataubin si John Lloyd kung ‘di mag-o-OA

Sa totoo lang, magaling na artista si Joshua Garcia. Pansin na pansin na ang galing niya sa The Good Son series ng ABS-CBN. Dito ako naniwala na para siyang si John Lloyd Cruz o baka mas mahigitan pa niya ang aktor kung itutuluy-tuloy lang niya ang ginagawa at hindi mag-o-over acting. Very expressive ang mata ni Joshua, at siya ang tipo ng artista na walang ka-kyeme-kyeme.

Anong say mo Kuya Boy Abunda?

Pareho na sila ni Julia Barretto pagdating sa acting. Magaling na artista at maganda ang mukha.

Malayo ang mararating nila sa larangan ng pagiging artista.

Welcome back, Ate Norma…

Nais kong i-welcome ang aking Ate Norma na almost 30 years na nahiwalay sa akin dahil siya ay nanirahan sa Ontario, Canada kasama ang kanyang mga anak.

Ang sarap ng feeling, walking in the cloud nine ako. Gusto niyang isama ako pagbalik sa Canada.  Oh No! Never. Kung sa MRT sasakay okay, go ako! Pero kung sa eroplano, no no no! Takot kaya ako sa eroplano, kung bumagsak, lasog! Saka walang Star Awards at presscon doon, noh!

PMPC napaaga...

Mas maaga ngayon ang PMPC Star Awards for Movies 2018 dahil gaganapin na ito sa February 8 sa Resort World Manila. Produced ito nina Jun Howard and Tess Celestino ng Airtime Marketing, Inc.

VIVA…

Viva Sto. Niño! We praised, we hailed, we pray, we claim your name, amen!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with