^

Pang Movies

St. Michael, laging kasama sa mga lakaran!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
St. Michael, laging kasama sa mga lakaran!

St. Michael

Happy feast day my dear Black Nazarene (Jan. 9). Hindi na natin kailangan pang ipagtanong na masyadong miraculous ang Poong Nazareno. Yearly natin idinadaos ang kanyang sagradong feast day.

Isa ako sa kumakapit sa kanya hindi lamang dahil sa ako ay may sakit at may samu’t saring problema sa buhay. Sa kanya ako humihingi ng lakas. Ganoon din kay Padre Pio, Mama Mary, St. Joseph foster father of Jesus. Kay St. Jude Thadeus, I tell you, nakakahugot ako ng lakas at tatag ng loob sa kanila.

Si St. Michael Archangel ay security guard ko sa mga lakad ko. Marami ang natatakot kapag nagbibiyahe akong mag-isa dahil wala raw akong kasama. Natawa ako dahil sagot ko, “may kasama ako, ‘di n’yo lang nakikita”. Akala nila napapraning na ako. St. Michael never let me alone!

Si St. Expeditus naman ang aking Santo sa datung. I humbly pray and claim their names. Salamat po!

Negosyong restaurant paborito ng mga artista

Tingnan mo nga naman, mas masarap na negosyo talaga ang restaurant o kainan.

Ilan sa mga artista ang nagpundar ng restaurant na dinarayo ng mga tao. Malamang masarap ito kaya binabalik-balikan ng mga customer. Kabilang sa mga artistang may mga restaurant ay sina Glaiza de Castro sa Roces Ave. (QC), Richard Yap (QC), Alden Richards (Timog at Tagaytay), at lately na kinainan ko ay ang District 8 na partnership nina Vice Ganda at Daniel Padilla sa Greenhills, San Juan.

Mayroon pang tatlong sikat na young star ang inaaayos na ang eateries na ipinundar nila. Ayaw pa lang nilang ipag-ingay at surprise raw.

Ryza gusto naming maging madre

Tawa nang tawa si Ryza Cenon, ang kasuklam-suklam na si Georgia sa TV series na Ika-6 Na Utos na malapit nang magtapos. Ang dami kasing fans at bashers ang galit sa kanya na heto’t sa nalalabing episodes ay nagbulag-bulagan siya at paniwalang-paniwala naman si Rome (Gabby Concepcion).

“Sorry po,” sabi ni Ryza. “Trabaho lang po”. Kaya raw feeling niya ay gumagaling siyang artista ay dahil sa pagiging bad girl sa series at nadadagdagan ang kaalaman niya sa akting.

Sana raw sa susunod na magkaroon siya ng TV show ay role naman ng madre ang gampanan niya para makabawi naman.

Pero ang isang magaling na artista, kahit ano’ng role ang ibigay ay kayang gampanan. Hindi na ‘yun mababago pa. Ganern po ‘yun!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with