^

Pang Movies

Young at Heart concert pumatok!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

I’m sure, nag-click ang first musical concert na produced ni Jesse Chua, former producer ng Mirick Films na kung ilang taon ding naalala sa paggawa ng magagandang pelikula na may iba’t ibang tema.

Sa naturang film firm din sumikat ang magaga­ling na artista gaya nina Lito lapid, Dan Alvaro, Ace Vergel, Christopher de Leon, Beth Bautista at marami pang iba.

Kabilang din ang premyadong director na si Ma­ning Borlaza, Chad Gallardo, Danny Zialcita at ilan pa sa mga pinasikat ng said film firm.

Sa madaling salita, may pulso at mata si Jesse Chua sa mahuhusay na showbiz performers. Nag-laylow lang ang Filipino-Chinese producer at nag-concentrate sa ibang negosyo ng pamilya. Pero, once you have heart or love sa showbiz, babalikan mo ito.

This time, after so many years, ang binabalikan ni Jesse ay ang musika na dati na niyang first love. Sa mga hindi nakakaalam, musician po si Jesse noon pa man at hanggang sa ngayon. Siya ang Head Music Ministry ng isang parokya sa subdivision na tinitirhan niya in Pasig City. As I am saying, nagkaroon siya ng first musical show na produced sa Music Museum last Jan. 6, entitled Young at Heart. Grabeh ang mga nanood na may paid ticket, uh, ‘di libre! E nameless ang mga performer na puro bagets. Noong una nga sa rehearsal, ay tumaas ang kilay ko, pero nang mapanood at marinig ko silang kumanta ay napa-wow ako at bumaba ang kilay ko.

Lahat sila ay may big K! Am sure after this concert, hahanapin sila, e may face value ang lahat, mga young talaga, mula sa direktor na si Cloyd at Raymund Angeles, ang band boys na puro taga-La Salle na sina Allen Maestro, Patrick, Johann at Enrique. At wala kang itulak kabigin sa mga singer na sina Eden Dumlao, Branson Chan, Chad Angeles, Moira, Janina Gonzalez, Monica Lacambra, Livinia Gonzalez, Bulabos fa­mily na sina Lanie, Agaser at mga anak na sina Kyla, Jun at Lanz.

‘Yung special guest naman na stage actor from Canada na si Darren ay tall, super handsome & flawless, kamukha siya ni Alden Richards. Grabe! Congratulations guys!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with