^

Pang Movies

Bagong taon, bagong buhay!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Bagong taon na, welcome 2018! Bagong buhay, bagong pakikipagsapalaran. Basta ipagdasal natin na mas maging magaan ang pamumuhay ng bawat pamilya, mas marami nawa ang kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Nawa’y may mga trabaho rin ang mga nanay at tatay at wala nang nanlilimos sa mga kalye.

Tulad na lang ng magkapatid na nakasahod ang kamay sa riders ng mga tricycle sa Golden City, Santa Rosa, Laguna na tinanong ko kung nasaan ang mga magulang.

Ang tatay daw ay nagsusugal at ang nanay naman nila ay nasa kapitbahay. Wala silang bigas kaya nanlilimos. Ganern?! ‘Wag sanang ganun mga tsuppatid, kawawa naman ang mga bata.

Sa lahat ng mga magulang, bagong taon na, bagong buhay tayo para umasenso sa buhay.

Anyway, ipagdasal natin ang magkapatid at iba pang mga katulad nila. Sobrang naawa ako kaya ‘di ko natiis na mag-give sa dalawa. Happy New Year po sa lahat!

Alden jackpot sa kanyang restaurant

Ang sarap po ng lafang sa Concha’s Garden Café sa Tomas Morato, QC. Kaya pala ito dinarayo ng mga nagpo-food trip.

Maraming gustong mag-lunch last Wednesday pero hindi sila nakapasok sa rami ng tao. May event kasi sila na exclusive at pa-thanksgiving party ni Pambansang Bae Alden Richards para sa entertainment press na more than 100 at talagang pinaghandaan niya with the help of GMA 7.

Samantala, malaki raw ang pasasalamat at utang na loob ni Alden sa kanilang tambalan ni Maine Mendoza na AlDub at maging sa GMA 7, Eat Bulaga at siyempre katulong sa pagsikat ng AlDub ang mga showbiz writer. Sobrang biyaya ang ganti ni Lord Jesus kay Alden na matagal din na naghintay. ‘Di siya nagmadali at never niyang naisip na lumipat ng ibang network.

Isa lang ang regret niya, ang hindi nakapaghintay ang kanyang ina sa kanyang kasikatan. Pero naging nanay niya ang kanyang lola at siyempre kasama ng kanyang ama at mga kapatid ang nagmahal sa kanya.

Dahil sa angat na ang career ni Alden, may naipundar na rin siyang house and lot sa Nuvali, Sta. Rosa at iba pang properties na ayaw niyang isa-isahin dahil baka raw magmukha siyang mayabang.

Magagandang cars ang weakness niya, dahil noong nagsisimula pa lang siya ay nagko-commute lang siya. Ang lugar na kinalakihan naman ni Alden sa Golden City, Sta. Rosa, Laguna na alam kong may sentimental value sa kanya ay kasama sa investments niya.

Pero ang the best ay ang negosyo niyang restaurant na Concha’s sa Tagaytay na super lakas dahil nga sa masasarap na pagkain bukod pa sa napakalinis nito. Mga bata ang service crew niya, magaganda at pogi bukod pa sa mabait at marespeto sa customers.

Manigong Bagong Taon!

Maligayang Pasko at manigong bagong taon mga Kapuso, Kapamilya, Kapatid, kaibigan, kaaway, at mga kababayan! God bless us all!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with