^

Pang Movies

Charo Santos at Robi tinamaan na rin ng K-drama fever!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Tila nahawa na at hindi nagpapahuli si Charo Santos sa K-drama fever dahil hook na rin siya rito. Nag-post ito ng picture sa Instagram na animo’y katabi sa kama ang Legend of the Blue Sea actor na si Lee Min Ho.

Pati si Ms. Charo ay nagpapaka-fan sa Korean actor na mukhang magiging matinding karibal din ng maraming adik sa K-drama. Inulan din ng comment ang naunang post ni Ms. Charo na edited yata at animo’y naka-costume siya bilang Korean.

Samantala, nakikisakay na rin si Robi Domingo sa nakaka-LSS na theme song ng Goblin na Beautiful dahil tinutugtog niya ito sa piano. In fairness kay Robi, nakaka­kilig ang version niya na wala pang effort ha.

Tiyak mas marami pang fans at artista ang makikisawsaw sa nakababaliw at nakakaadik na K-drama dahil pinagsabay ng Kapamilya Network ang pagpapalabas ng Legend of the Blue Sea at Goblin nina Lee Min Ho at Gong Yoo.

Kahit ilang beses na itong napanood ng mga adik na fans ay inabangan pa rin sa Dos ang dalawang drama dahil ang galing ng cinematography, storyline, visual effects, soundtrack, at nakakakilig ang mga Korean actor.

Dahil sa paulit-ulit nang napanood ng fans ang LOTBS at Goblin alam ng viewers na maraming cut ang mga scene na sayang dahil magaganda rin naman ito.

vuukle comment

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with