^

Pang Movies

Iya nakaka-work out kahit nag-aalaga ng anak!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Mas lamang si Iya Villania kesa sa asawang si Drew Arellano sa araw-araw na pag-aalaga sa anak nilang si Primo. Buong araw, bago sumalang sa 24 Oras, si Iya ang nakatoon ng pansin sa anak. Bumabawi lang si Drew na kahit maraming trabaho eh sinisigurong nasa bahay na siya ng 6PM para karelyebo ni Iya.

“Ako, parati kong sinusubukan na dumating sa bahay ng 5:00 PM or before 6:00 PM. Hinahabol ko talaga ‘yan,” pahayag ni Drew sa presscon ng 3rd season ng cooking show nilang Home Foodie Madalicious Meals.

Kung noong season 2 ng programa eh buntis pa si Iya, ngayon ay may Primo na siya. Alam na rin niya ang schedule ng pagtulog ng anak kaya sa mga oras na ‘yon eh may nagagawa siyang iba.

“Basta napadede ko na siya, I have time to do other things like groceries, work outs, prepare meals. Madali na siya even with Primo there,” saad naman ni Iya.

Kapag nagluluto nga silang mag-asawa, present na sa tabi nila ang anak. Eh itong trabaho nila sa Home Foodie, hindi naman kailangan ng mahabang oras dahil three minutes lang itong umeere araw-araw.

Sa season 3, kasama nina Iya at Drew ang San Miguel Purefoos Celebrity Chefs na sina Llena Tan-Arena, RJ Garcia, at Rene Ruz. Sa Mayo 15 ang simula nito after Unang Hirit, Lunes hanggang Biyernes.

AiAi nag-pass makisawsaw sa isyu ni Sen. Tito

Ayaw sumawsaw ni AiAi delas Alas sa “na-ano” isyu joke ni Senator Tito Sotto. As we all know, single parent din si Ai nang palakihin niya ang tatlong anak.

“Tapos na ‘yung issue. Repesto na rin sa Bossing kong si Vic (Sotto). Hindi ako magsasalita tungkol diyan,” rason ng Comedy Queen.

Nasa Cloud 9 ngayon si AiAi dahil sa magandang feedbacks at reactions sa nakapanood ng movie niyang Our Mighty Yaya. Maraming natuwa at tumawa sa mga nanood ng premiere ng movie last Monday.

Hindi pa rin kasi nawawala ang magic at karisma ng Comedy Queen sa big screen. Swak na swak ka­sing pang-Mother’s Day ang OMY na kumpletos rekados mula simula hanggang wakas!

Biography ng kilalang showbiz personality naunsyami

Nabuwisit ang isang writer na nakatakdang isulat ang biography ng isang kilalang showbiz personality na humiling sa kanya (writer) na siya ang sumulat. Bukod sa kilalang magaling na manunulat ang writer, kilalang-kilala pa niya ang personalidad na isusulat.

May permiso ang personalidad kung ano’ng publishing house ang maglalabas nito. So nakipag-meeting na ang writer at gumawa nang timetable para sa schedules ng gagawin. Isinumite niya ito sa publishing house para pag-aralan.

Lumipas ang ilang buwan pero walang tugon ang publishing house. Nag-follow-up ang writer para malaman kung ano na ang next moves nila. Sukat ba namang sabihan ang manunulat na busy pa raw sila. Tinalakan sila ng writer! Nawalan na ng gana na makipag-communicate sa publishing house ang prem­yadong manunulat!

vuukle comment

DREW ARELLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with