^

Pang Movies

Bomba star na si Maria Ozawa, hubadero rin ang natisod na dyowa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matapos na ma-link sa isang male star nang una siyang gumawa ng peli­kula sa Pilipinas, hindi na umalis sa bansa ang da­ting Japa­nese porn star na si Maria Ozawa. Ngayon ang balita ay girlfriend siya ng chef at restaurant owner, na dati ring naging artista at sumali doon sa Pinoy Fear Factor na si Jose Sarasola.

Natatandaan namin, na­ging kontrobersiyal din naman iyang si Jose Sarasola dahil sa mga picture niya noong sexy, na mukhang nasa gawaan yata siya ng yelo. May nagtanong pa nga sa amin noon kung sa loob daw ba iyon ng Snow World. Hindi po, kasi hindi naman papayag ang Snow World na may pumasok doon nang nakahubad, baka may mangyari pa sa kanila roon at sagutin pa ng management.

Anyway, mag-syota na nga raw ang dalawa, kaya pala nananatili sa bansa si Ozawa kahit na wala naman siyang project na ginagawa rito. Nakakita na pala siya ng kanyang magiging asawa.

Dahil napag-uusapan nga iyan, hindi kami magtataka kung may makaisip na gumawa ng isang TV show, o isang indie kung saan magkasama sina Jose Sarasola at Maria Ozawa. Tutal pareho naman silang sexy at kung gagawa nga ng isang pelikulang sexy ang tema, puwede sila na baka nga panoorin iyon ng mga tao.

Barbie malaki ang bilib sa indie kahit nangangamote sa takilya

Medyo natawa kami doon sa comment ni Barbie Forteza na mas impressed daw siya sa indie mo­vies dahil iyon ang mas napapansin ng mga kritiko. Hindi mo masisisi si Barbie, dahil nanalo na siya ng isang best actress award, hindi dito kung di sa abroad dahil sa isang pelikulang indie, na sad to say, kagaya ng ibang mga pelikulang indie, hindi ito tinatangkilik ng karamihan.

Totoo ang sinasabi niya na ang mga pelikulang indie ay mas napapansin ng mga kritiko, depende rin naman kung anong grupo ng mga kritiko. Kung ang tinutukoy ay ang mga kritiko sa social media o mga blogger, totoo iyan. Kasi iyan namang mga blogger, karamihan diyan ay mga estudyante na naniniwala ring dapat magkaroon ng pagkakataon ang mga baguhang kagaya nila. Ang sa kanila kasi ay basta nakakagawa sila ng pelikula. Wala silang pakialam kung malugi basta makagawa sila ng pelikula at maisali at manalo kahit na sa mga hotoy-hotoy na film festivals lamang sa abroad. Basta masabing nanalo sila sa abroad.

Pero ang mga pelikulang iyan, na walang dudang ang intensiyon naman ay para sa Pilipino, dahil bakit nga ba gumagawa sila ng pelikulang Tagalog ang dialogue, bagama’t nananalo nga sa abroad, talunan naman sa Pilipinas. Talunan in the sense na hindi nga halos maipalabas sa sinehan ang mga iyan. Ngayon nga, dahil talagang ikinakampaya at ipinagpipilitan ng Film Development Council of the Philippines, nakakakuha sila ng sinehan pero wala pa ring nanonood. Lugi pa rin ang mga pelikula nila, at lugi ang mga sinehan.

Iyang mga sinehan sa pagkakaalam namin, magbabayad ka ng “minimum guarantee” kung hindi ka aabot sa quota. Sino ang nagbabayad ng minimum guarantee? Dapat malaman natin iyan dahil baka ang Film Development Council ang nagbabayad ng “minimum guarantee” eh pera ng bayan iyan.

Si Barbie ay sikat ngayon, pero walang duda na iyon ay dahil sa kanyang serye sa telebisyon na mataas naman ang ratings. Pero ang pelikula niyang indie, walang naging hit kahit isa. Ibig bang sabihin noon hindi iyon matantiya kahit ng kanyang mga fans?

 

         

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with