^

Pang Movies

Carlo nabuhay ang love kay Angelica?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Carlo nabuhay ang love kay Angelica?!
Carlo Aquino

Habang totoo raw na may kakaibang spark sa friendship na kasalukuyang namamagitan sa kanila ng dating karelasyon na si Angelica Panganiban (when they were both teenagers pa), malayo raw na magkabalikan sila, ani  Carlo Aquino.

Loveless ngayon si Angelica after nilang mahiwalay ni John Lloyd Cruz.

Si Carlo naman ay taken na. Four years na sila ng kanyang girlfriend na balak niyang pakasalan at the right time.

Thirty one na sa kasalukuyan si Carlo.

Umaani ngayon ng good comments si Carlo sa kanyang pagganap sa seryeng The Better Half, co-starring him with Shaina Magdayao, Denise Laurel and JC de Vera.

Featured are Nadia Montenegro, Maila Gumila and Joyce Ann Burton, among others. Plus former news anchor Mari Kaimo, na isang aktor na ngayon.

Ang said series ay directed by Jeffrey Jeturian.

Gimik ni Kiray wa epek!

Tanong lang, Salve A: Bakit kaya parang lumamlam ang showbiz career ni Kiray Celis, pagkatapos ilabas ang pelikulang kanyang pinagbidahan na I Love You To Death, kung saan si Enchong Dee ang kanyang leading man?

Obviously, ‘di rin nag-workout ang supposed na akala ng lahat ay eventually nagbu-bloom na relasyon nila ng ramp and commercial model na si Kirst Viray.

Andrea gusto na agad maging direktor

Nasa grade eight pa lang ang dating child actress na si Andrea Brilliantes pero determinado na raw siya this early na mag-enrol ng film course sa college.

Atin-atin lang daw, pero type raw niyang mag-direk ng TV o pelikula balang araw.

Ngayon ay 14 years old na si Andrea, 10 years old lang siya nang gawin niya ang Annaliza, kasama sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia at Jake Cuenca.

Ngayon ay may ka-loveteam na si Andrea sa katauhan ni Grae Fernandez.

Grae, of course in the 16 year-old son ng aktor na si Mark Anthony Fer­nandez, whose parents naman are the late Rudy Fernandez and Alma Moreno.

Speaking of Alma na nakilala noon for her sexy body and dancing skills in her time, featured siya ngayon sa currently trending series na Pusong Ligaw, na pinagbibidahan nina Beauty Gonza­lez, Joem Bascon, Bianca King, Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Double body yata ngayon si Alma. Na ikinagulat ng marami, since she ran for senator in the last elections, medyo trim pa rin siya.

Sa Pusong Ligaw, gumaganap siya bilang may-ari ng isang hacienda, kung saan kabilang sa mga worker ay pamilya ni Diego, na headed by Smokey Manaloto.

Dalawang show ni Luis pahinga muna

Mawawala pala ang dalawang game show na hinu-host ni Luis Manzano at parehong paborito rin namin, ang Minute To Win It Last Duo Stan­ding, Mondays to Fridays, and Family Feud, Saturdays and Sundays.

Sana nga, tulad ng promise ni Luis, magre-resume ang dalawang programang ito, soon.

Buti na lang at may reality show pa rin si Luis, ang The Voice Teens, which he co-hosts with Toni Gonzaga and features Sharon Cuneta, Bamboo, Sarah Geronimo at Lea Salonga bilang mga mentor. 

 

 

vuukle comment

CARLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with