^

Pang Movies

Juday nanghihinayang sa komisyon sa manager?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naglabas na ng statement ang talent ma­nager na si Alfie Lorenzo tungkol sa sinasa­bing pag-alis ng kanyang alagang si Judy Ann Santos sa kanyang poder. Hindi naman kumikibo si Alfie kung hindi nga lamang iyon nabanggit ni Juday after eight months.

Siguro naman, hindi na issue iyong mga talent na umaalis sa kanilang managers, at ang isa na ngang dahilan doon ay iyong sinasabi ni Alfie na nanghihinayang na sa ibinabayad nilang komisyon.

Mas marami naman ang nasusulsulan at lumilipat sa akala nila ay mas mahusay na managers. Isa pang dahilan ay iyong kasabi­han nga ng mga kano, “familiarity breeds contempt”. Dumarating din talaga ang panahon na nagkakasawaan na rin kahit na anong husay pa ng pagsasamahan.

Normal din naman sa mga artista iyong kumapit sa pinaniniwalaan nilang magpapataas pa ng kanilang career, at kahit na nakatulong ka pa, kung sa tingin niya ay hindi ka na niya pakikinabangan, diyan ka na lang muna sa tabi. Ganyan naman talaga ang buhay sa showbusiness.

Tandaan ninyo, ang gumagalaw sa negosyong ito ay mga artista. Hindi mo masasabi kung kailan ok iyan at kung kailan umaarte lang.

Ilang artista nagbebenta na lang ng laman

Palagay namin maling ka­tu­wiran iyong mahina kasi ang kita ngayon sa show business kaya may ilang mga “artista” na pumapa­sok sa hindi magandang “sideline”. Mas dapat nilang alalahanin na bilang mga artista, mas tamang sigu­ruhin nila na mananatiling malinis ang kanilang reputasyon.

Ciara Sotto damay sa ‘pang-aano’ ng ama

Nag-react ang maraming taga-showbusiness sa comment ni Senador Tito Sotto sa pagiging single mother ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo. Sinabi niyang sa salitang kalye raw kung sabihin iyon ay “na-ano lang”. Maraming single parent sa showbusiness, pero hindi dahil sa isang single pa­rent ay “na-ano lang”.

Sabi nga ni Lea Salonga, matagal na panahong halos ang nag-alaga sa kanila ay ang ina lang nila, at para siyang tumayong single parent, pero hindi naman siya “na-ano lang”.

Nag-react din ang komedyanteng si Pokwang sa pagsasabing siya ay single parent din, pero hindi siya “na-ano lang”.

Hindi naman ibig sabihin basta single parent o hindi kasal ay “na-ano lang”. Mayroong mga single parents by choice. Ok lang sa kanila na magkaroon ng anak. Pero ayaw nila ng responsibilidad na magkaroon ng asawa. Hindi mo masasabing sila ay “na-ano lang” kasi nangyari iyon by choice.

Iyong sinasabing “na-ano lang”, doon sa mas matatandang usapan, iyan ang tinatawag noong “disgrasyada”, iyong may nangyari o naging magulang siya nang hindi niya kagustuhan talaga. Kaya kami nga pinakikinggan namin iyon sa radio, walang pumasok na masama sa isip namin laban sa mga single parents, bagama’t palagay namin hindi naman mahalaga ang tanong na iyon sa isang taong manunungkulan lang sa DSWD ng anim na taon. Ang DSWD, social services ang linya niyan eh. Hindi naman iyan gagawa ng mga proyektong para sa moralidad. Ngayon kung ang nasa isip ni Senador Sotto, na alam naman nating laban doon sa RH law, base sa sitwasyon ni Secretary Judy ay baka mas itulak noon ang gamit ng artificial contraceptives, ibang usapan naman iyan.

Pero aywan ha, ang dating sa amin ng statement na iyon ay hindi naman panlalait sa mga single parent. In the first place, ang kanyang anak na si Ciara ay humiwalay sa kanyang asawa by choice, sasabihin ba ng senador na ang kanyang anak ay “na-ano lang”?

 

vuukle comment

ALFIE LORENZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with