^

Pang Movies

Mariel hoping na sundan ang yapak ni Kylie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mariel hoping na sundan ang yapak ni Kylie
Mariel de Leon at Kylie Verzosa

Dahil holiday kahapon, nagpahinga muna si Mariel de Leon dahil napagod ito nang husto sa pageant night ng Bb. Pilipinas 2017 noong Linggo.

Halos araw-araw ang rehearsals ng mga kandidata at marami ang activities nila kaya walang pahinga si Mariel at ang ibang mga contestant.

Nagbunga naman ang mga pagtitiyaga at pagsisikap ni Mariel dahil certified beauty queen na siya. Si Mariel ang nag-win ng Bb. Pilipinas International title at hoping ang mga mahihilig sa beauty contest na magkakaroon sila ng back-to-back win ng reigning Miss International Kylie Verzosa.

Composed na composed si Mariel sa finale night ng Bb. Pilipinas. Kung kinakabahan man siya, hindi mahahalata dahil confident na confident ang dalaga sa pagsagot.

Sa totoo lang, sa ganda at talino ni Mariel, pasok din siya sa Bb. Pilipinas Universe crown na napanalunan ni Rachel Peters.

Member si Mariel ng The Opera Belles pero on hold muna ang singing career niya dahil ang mga responsibilidad bilang Bb. Pilipinas International ang kanyang haharapin. May limang buwan pa si Mariel para paghandaan ang Miss International competition sa Tokyo, Japan.

Namigay ng special awards sa first part ng Bb. Pilipinas pero walang nakuha si Mariel.

‘Yun pala, siya ang mapipili na Best in Gown at Miss Cream Silk.

Eleganteng-elegante si Mariel sa kanyang red Cary Santiago gown. Lalong lumutang ang beauty ni Mariel nang rumampa siya sa stage.

Si Cary din ang gumawa ng gown na ginamit ni Mariel sa National Costume competition pero si Chanel Olive Thomas ang nag-win. Sounds familiar ang name ni Thomas dahil ex-dyowa siya ni Jake Cuenca.

Medyo matapang ang face ni Thomas na kalokalike ni Jenny Syquia, ang ex-wife ni Gabby Concepcion.

Pelikula nina Bela at Jericho may dalang good vibes

Feel good movie ang Luck at First Sight na nagustuhan ng entertainment press nang panoorin nila kahapon sa Gateway Platinum Cinema.

Ang sabi ng mga reporter, must see ang pelikula nina Bela Padilla at Jericho Rosales dahil kakaiba ang kuwento nito.

Si Dan Villegas nag director ng Luck at First Sight. Muling pinatunayan ni Dan ang husay niya bilang director ng mga romantic comedy movie.

Rumored bf ni Angel, blooming na blooming

Present sa press preview si Neil Arce, isa sa mga producer ng Luck at First Sight.

Hindi na nag-attempt ang entertainment press na interbyuhin si Neil tungkol sa lovelife nito dahil knows nila na hindi rin sasagot ang ex-boyfriend ni Bela na natsitsismis na bagong inspirasyon ni Angel Locsin.

Pero napansin ng mga reporter na blooming at physically fit ngayon si Neil.

Produ ng Viva pasado sa pagpapatawa

Star na talaga si Hermie Go, ang supervising producer ng Viva Films at may bonggang role sa Luck at First Sight.

Ang direktor na si Joyce Bernal ang may idea na bigyan si Hermie ng special participation sa Bela-Jericho movie.

Hindi nagkamali ang pulso ni Joyce dahil laugh nang laugh ang mga reporter sa mga eksena ni Hermie.

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with