^

Pang Movies

Tommy si Ellen ang ipinalit kay Miho?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tommy si Ellen ang ipinalit kay Miho?!
Tommy Esguerra at Ellen Adarna

Defensive ang dating ni Tommy Esguerra nang magsama sila sa isang picture ni Ellen Adarna para sa isang event sa Boracay. Magkasama ang dalawa sa morning series na nagtapos kung saan kasabay din ang break up nila ng girlfriend na si Miho Nishida.

“Kaibigan Lang Kami guys! Tsaka nandito Kami para Sa Work,” bahagi ng caption ni Tommy sa kanyang Instagram account.

May picture din si Tommy na ka­sa­ma ang lovers na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Sa comments ng followers niya, hindi pa rin maka-move on ang fans nila ni Miho. Napansin pa nilang wala na ang pictures ni Miho sa IG account niya, huh!

Gary kalas-buto pa rin kung mag-perform

Ayaw patawag ni Gary Valenciano na lolo as unang apo sa anak na si Paolo Valenciano. Pappy ang gusto niyang itawag ng bata na bagong kinagigiliwan ng Valenciano family.

At his age nga naman, total livewire pa rin ang performance ni Gary. Kaya pa niyang magkalas-buto gaya nang ipinamalas niya sa videoke party na handog niya kaugnay ng kanyang 34th year sa showbiz.

Bilang handog sa kanyang mga follower, pinaghahandaan ni Gary ang season finale ng concert franchise niyang Gary V Presents. For the first time, gagawin niya ito sa The Theater Solaire Resort & Casino sa May 12, 13, 19, and 20.

Huling season dahil bagong artists naman ang bibigyan niya ng break sa second season nito. Ayon kay Gary, mananatili sa puso niya ang magagaling na artists na nakasama niya sa Gary V Presents gaya nina Mitoy Yonting, Janice Javier, RJ dela Fuente, Tim Pavino, Allan Silonga, Lara Maigue, Katrina Velarde, Carla Guevarra-Laforteza, Jimmy Marquez, Bullet Dumas at bunsong anak na si Kiana Valenciano.

Alden mas pinili ang love kesa luck

Game na nakisali si Alden Richards sa tanong kung ano ang pipilian niya – luck or love.

Tugon naman niya, “Siguro sa love ako. Kasi ang love, nararamdaman mo siya eh. hindi siya aksidente.

“So parang nagsisimula sa pagtitinginan ng dalawang tao at nagbubunga into something more. Then kung anuman ang meron sila.

“Kasi ‘yung luck, hindi sigurado ‘yan eh. Parang two out of a hundred. Ganoon ang luck for me. Grabe ka on the spot ka, huh!”

Ang video na ‘yon ni Alden ay kaugnay ng pakulo ng movie nina Jericho Rosales at Bela Padilla na Luck At First Sight. Kanya na ring inimbitahan ang manonood na panoorin ito sa Mayo 3.

At least, naging game si Alden na sagutin ang tanong at tumulong sa promotions kahit na ang bidang si Bela ay natsismis na itinatago niyang girlfriend, huh!

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with