^

Pang Movies

Lyca parang nagpaputi at nagparetoke ng ilong

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang nakakapansin na biglang gumanda ang child star/singer na si Lyca Gairanod.

Madrama ang buhay noon ni Lyca bago siya sumikat dahil sa pagkakapanalo sa The Voice Kids. Nazkalakal ng basura ang bata kaya naman marami ang humanga rito dahil ngayon ay ibang-iba na ang batang singer.

Ayon pa sa ilang mga tagahanga, hindi na nila halos makilala si Lyca dahil nakakahawig na niya ang mga kasama sa Kapamilya Network. Pare-pareho na raw silang mapuputi at matatangos ang ilong.

Ejay biglang naglaho sa sirkulasyon

May mga nagtatanong, nasaan na raw ba si Ejay Falcon ngayon?

Bakit daw bihira na nilang makita sa sirkulasyon ng showbiz ang aktor?

Well, nasa matatag na namang position ang kalagayan ni Ejay. May maganda na silang bahay sa Pola, Oriental Mindoro.

Kababayan ni Ejay ang kapwa niya artista pero vice mayor ngayon ng Pola na si Ina Alegre na isa ring movie producer.

Ryza tumaba sa serye

Mabuti na lang at tutuldukan na ang Ika-6 Na Utos. Sa tagal kasi ng pagpapalabas nito ay mapapansing tumataba na ang pisngi ni Ryza Cenon. Wala na ang dating whistle bait figure ng taga-Nueva Ecija na aktres.

Balita rin namin ay galante si Gabby Concepcion sa tuwing may shooting sila sa Antipolo at inaabot ng madaling araw.

Marami naman ang pumapalakpak sa acting ng veteran actress na si Odette Khan na binig­yan nina Direk Laurice Guillen at Lori Reyes ng makabuluhang papel.

Magandang tingnan ang mga kilalang artista ang mabigyan ng magagandang papel. Malimit kasi mangyari ito sa mga serye na palaging baguhan ang gumaganap ng mahahalagang papel.

Malaking problema nga lang sa televiewers na malimit hindi kilala ang mga baguhang artista.         

                                               

vuukle comment

LYCA GAIRANOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with