^

Pang Movies

Gary paghihintayin si Sam ng 20 years!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ni Gary Valenciano ang naging feeling niya nang makita ang kanyang unang apo sa anak ng panganay niyang si Paolo Valenciano and wife Samantha.

Nanganak si Samantha noong November last year kaya ilang buwan na ring “lolo” si Mr. Pure Energy at aniya, may kakaiba raw siyang naramdaman nang isilang ang apo.

“Mayroon akong na-feel na doon ko lang na-feel na dapat kong naranasan when Paolo was born, pero doon ko lang na-feel,” pag-amin ni Gary nang makatsikahan namin sa thanksgiving videoke party for the entertainment press para sa malaking tagumpay ng concert series niyang Gary V. Presents.

Ani Gary, iba raw kasi ang sitwasyon niya noong isilang si Paolo.

“In my case kasi, iba kasi ang sitwasyon ko nun’g tatay ako. I was 19 years old. Paolo was 32 when he had Leah (name ng baby). Pero nung lumabas siya with Leah from the delivery room and he presented me, I was looking at my first born, and I was looking at my first grandchild, I told Paolo, ‘Pao, I’m feeling things for the very first time’ kasi at that time (when Paolo was born), iba ‘yung nasa isip ko, eh. Ang gusto ko lang ipakita sa tao, ‘o, meron ba kayo nito?’ Kasi, ang daming kumokontra sa akin.

“This time, as a grandfather, seeing my first born with his first born, there’s a difference,” kwento ni Gary.

Ganyan din kaya ang magiging feeling niya kapag ang bunso niyang si Kiana na ang mag-present sa kanya ng apo?

“Ah matagal pa ‘yun,” ang mabilis na sagot ni Gary. “Ilang taon pa ‘yun, mga dalawang dekada pa ‘yun,” dugtong niya na ikinatawa namin.

Pero seriously, aniya, alam din daw niyang magiging maganda ang anak ni Kiana kung sakali.

Nasa good hands naman ba si Kiana?

“Yes, she’s in good hands,” he admitted na of course, ang ibig sabihin ay she’s in good hands with Sam Concepcion na boyfriend ni Kiana.

Happy naman siya kay Sam as Kiana’s boyfriend?

“Yeah, I’ve known Sam since he was. . . inilagay ko nga sa thread, eh, nu’ng bata pa sila ni Paolo, gumawa sila ng isang program on stage, na-zoom-in ko ‘yung mukha ni Sam at sinend ko kay Kiana. ‘Oh my God!’ gumaganun sila.”

Samantala, Gary V. is celebrating this year his 34th year in show business via a major concert, ang Finale Season ng Gary V. Presents na gaganapin on May 12, 13, 19, and 20 at 8pm sa The Theatre ng Solaire.

Bukod dito, ano pa ang i-expect ng mga fans niya this year?

“Actually, I’m preparing for some different kind of programs na hindi man makikita sa TV pero makikita online and I’m excited kasi sine-share ko sa mga ka-team ko na millenials and they said, ‘ah, that’s going to work.’”

“So, maaaring hindi na ako makikita sa stage tulad ng dati na Mr. Pure Energy, pero ‘yung ener­gy, lalabas din kahit paano sa ibang klaseng paraan,” he said.

Coleen aligaga na sa kasal

Kahit busy si Coleen Garcia preparing for her wedding with Billy Crawford, humahataw pa rin siya sa paggawa ng projects. Kasama siya ngayon sa cast ng Ikaw Lang ang Iibigin with Kim Chiu, Gerald Anderson, and Jake Cuenca na magsisimula na sa May 1.

Ayon kay Coleen, ngayon daw nga niya unti-unti na niyang nari-realize ang commitment ng marriage.

“Magsi-seminar din kami sa church and everything, so, talagang nagiging real na siya para sa akin. Pero masaya pa rin ako kasi, I feel just as committed also to my work kasi nabibigyan ko pa rin naman ng oras, ng another part of my heart also.

“So, okay naman. Masasabi ko pa naman na as much as iniibig ko ang ka-lovelife ko, ang future husband ko, iniibig ko pa rin naman ang trabaho ko,” sey ni Coleen.

Ramdan na ramdam ba niya na siya lang ang iibigin ni Billy?

“Sana, eh papakasal na kami, eh,” natatawa niyang sagot.

“Sana naman, sana naman. Siyempre, para sa akin, ganu’n. Hindi naman ako o-oo kung hindi talaga ‘yun ang nararamdaman ko”.

Samantala, sa Ikaw Lang ang Iibigin ay gina­gam­panan ni Coleen ang role na ex-girlfriend ng ka­­rakter ni Jake. Bagama’t nagkasama na sila sa Pasion de Amor, ito ang unang pagkakataon na makakapareha niya ang aktor.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with