^

Pang Movies

Maepal na writer ng GMA nasabon ng mga Boss?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano kaya ang ibig sabihin ng GMA executive na si Lilybeth Rasonable nang sabihin niyang “we will deal with her separately and privately” tungkol sa kanilang masyado nang kontrobersiyal na writer at creative girl na si Suzette Doctolero?

Iyan ay matapos na magkaroon na naman ng gulo nang mismong si Doctolero ang nagsabi sa kanyang social media account na bagsak ang ratings ng Destined To Be Yours, ang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mabilis namang binawi iyon ng GMA at sinabing hindi totoo iyon, at sinabi nga ni Rasonable na kung ano man ang sinabi ni Doctolero, ay opinion lang niya iyon at hindi ng network.

Pero si Doctolero ay hindi lamang nila writer, kabilang siya sa creative team. Ibig sabihin si Doctolero ay may powers sa network, mayroon ding inside info, at katunayan acknowledged ang kanyang presence sa lahat yata halos ng mga media conferences ng GMA-7.

Hindi masasabi kung ganoon na “opinion lang niya iyon at hindi ng GMA”, dahil officially isa siya sa mga executive ng network, at iyon ay kinakatawan niya. Ang GMA ay responsable rin dapat sa kung ano ang ginagawa at sinasabi ng mga tao nila. Hindi puwede ang hugas-kamay diyan.

Marami na rin namang controversy si Doctolero. Naalala nga namin iyong naging controversy nila ni Robin Padilla nang magreklamo siya sa social media rin tungkol sa diumano ay pakikialam daw ni Robin sa kuwento at binago pa raw ang ending ng Totoy Bato. Iyon naman pala, nasa kontrata ni Robin noon sa GMA na maaari siyang makialam sa kung ano man ang ginagawa niyang shows. Lumayas tuloy si Robin.

Kamakailan, nakipag-away din siya ulit sa social media dahil sa may nagsabing iyong kanyang Alyas Robin Hood ay mukhang kinopya raw sa Arrow. Nagalit din siya, at hindi lang tinalakan ang nagsabi noon. Sinabi niyang wala namang nakakapanood ng Arrow sa Pilipinas, sinabi niya pang ang bida noong si Stephen Amell ay hindi naman sikat.

Hindi yata ni-research ni Doctolero na isang sikat na Canadian actor si Amell na nakagawa ng mas maraming hit na TV series sa US at Canada, at mas marami ring pelikula kaysa sa kanya. Ang sinabi lang naman noong observer, iyong picture ni Dingdong Dantes na ginamit nila ay mukhang kopya sa picture ni Stephen Amell sa Arrow, na totoo naman.

Noong panahong sinasabi niya i­yon, ang Arrow ay inilalabas ng TV5, at medyo uncalled for yata ang ganoong comment laban sa isang serye na inilalabas ng ibang istasyon.

Kamakailan lang din, tinalakan niya ang komiks. Hindi na nga siguro niya inabot ang panahon ng komiks, pero dapat maging aware siya na hanggang ngayon pinakikinabangan nila ang komiks. Saan ba galing sina Darna, Dyesebel, at Captain Barbell? Saan ba ga­ling ang Panday? Aba ang totoo wala na nga sigu­rong komiks pero pinakikinaba­ngan pa hanggang ngayon ang mga kuwentong nagmula sa komiks. Bago nagkaroon ng Mulawin, may ganyan na sa komiks. Bago iyang Encantadia, may mga ganyang kuwento na rin sa komiks, mga bata pa kami.

Marami nang tinarayan si Doctolero, at hindi kami magtataka kung pagkatapos nito tarayan din niya kami sa kanyang social media account, pero sinasabi lang naman namin kung ano na ang mga ibang nangyari bago pa niya sinabing “flop ang AlDub”.

Pero sinabi nga rin namin, napapanood namin iyong Encantadia na isinusulat ni Doctolero, at pagkatapos noon, karaniwan lumilipat na kami sa mga Chinese movies na dubbed sa Pilipino. Siguro hindi na namin trip iyong mga kilig serye, pero hindi namin sinasabing flop ang AlDub.

Ano nga kaya ang mangyayari roon sa “we will deal with her separately and in private” na sinasabi ni Rasonable tungkol kay Doctolero?

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with