^

Pang Movies

Gloria Romero parang bata pa rin ang pakiramdam

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gloria Romero parang bata pa rin ang pakiramdam
Gloria Romero

Mangiyak-ngiyak si Ms. Gloria Romero, kinikilalang Queen of Philippine Movies, sa mga papuring tinanggap niya nang ganapin ang grand presscon ng bago niyang show na kid-friendly, family-oriented na Daig Ka Ng Lola Ko. 

Tita Glo, as she is fondly called by the entertainment press, is already 83, pero masaya siya na binibigyan pa rin siya ng mga project ng GMA Network.

Blessed daw siya na nakakapagtrabaho pa siya, the reason daw kaya hindi pa rin nagbabago ang zest niya for living and acting. Biro pa niya natutuwa siya na hindi  na niya kailangang maglagay ng prosthetics para magmukha siyang si Lola Goreng dahil talagang may mga lines na ang mukha niya.

Matagal ko ring hinintay ang ganitong show dahil nakakabata ng feeling” dagdag pa ni Tita Glo. 

“Overwelmed ako sa set, ibang-iba ito sa mga nagawa ko nang teleserye at mga bata naman ang kasama ko, kaya masaya kami sa set, ang gagaling pa nila.  Hindi ko rin inisip na at my age, I will still play the role of a fairy.  Light lamang ang ginagawa ko, at enjoy ako.  Natutuwa lamang ako na hanggang ngayon kaya ko pa namang mag-memorize ng lines, although mas mabilis maka-memorize ang mga batang kasama ko rito.”

Hindi rin problema ni Tita Glo ang oras ng cut-off niya dahil kahit hanggang 12:00 midnight lamang ang ta­ping niya, kung minsan, mas maaga pa siyang nakakauwi.  Every Saturday daw lamang ang taping nila.

Hindi ba siya nahihirapan dahil dalawa ang kanyang shows ngayon, ang isa pa ay romantic-comedy series na Meant To Be.

“Hindi rin naman sunud-sunod ang taping ko sa Meant To Be, kung dito ay apat na bata ang mga kasama ko, sina Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayao at Julius Miguel, kasama ko naman doon four young guys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz at si Barbie Forteza.  They shower me with love at ginagawa nilang madali sa akin ang trabaho, iba rin ang attire ko naman doon.”

Para sa kanilang pilot episode, tampok si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes na nag-wish daw, ayon kay Direk Rico, na sana makapag-guest siya kahit isang episode, bago siya gumawa ng sariling teleserye. 

Kaya sa April 30, sa Sunday Grande ng GMA 7, mapapanood si Marian bilang si Gracia, Taong Grasa kung saan kasama niya ang best friend na si Ana Feleo.

 

vuukle comment

GLORIA ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with