^

Pang Movies

Jake tuloy ang petisyon sa karapatan sa anak, Andi may panibagong buwelta!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ayaw nang pag-usapan ni Jake Ejercito ang tungkol sa inihain niyang joint custody para sa anak nila ni Andi Eigennman na si Ellie. Katuwiran ni Jake  nasa korte na ang kaso para sa visitation rights sa anak.

Magkasama ang mag-ama na dumalo sa 80th birthday celebration ni Mayor Erap Estrada noong Miyerkules ng gabi. “I’m just enjoying every moment that I share with her,” pahayag ng anak ni Mayor Erap kay Laarni Enriquez nung isang gabi.

Lagi lang daw niyang ipinaaalala sa bata na mahal niya ito.

Dalawang araw nakabasyon si Jake sa bansa para nga sa 80th birthday ng ama na inihanda ng panganay nilang kapatid na si Jackie Ejercito.

Babalik siya ng Singapore para tapusin ang kanyang Masters sa isang unibersidad doon.

Pero kahapon ay nagpahayag na naman si Andi ng matatalim na salita na bagama’t hindi niya pinangalanan ay alam mo ang pinatatamaan.

“I still believe that real justice can prevail in this country. Even if you are up against a family w power and (lots of) money,” ang isa sa mga pahayag ng aktres.

Sinabi rin ni Jake sa nasabing interview na nahihirapang siyang makipag-usap sa kampo ng aktres kaya dinaan niya sa korte ang paghingi ng karapatang makapiling ang anak.

 May rest house sa Batangas

John Lloyd at Angelica nagkabalikan na?!

Nagpapagawa na nga ba ng rest house sina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban sa Batangas?

Sa Batangas daw ang puntahan ng dalawa na hindi pa officially inaamin na nagkabalikan na.

Last week ay nakita na naman sila sa isang beach na magkasama. Hindi naman daw sila masyadong pinapansin pero marami pa ring nakakita sa kanila. Sa gabi raw kasi sila nagsi-swimming pero nakikita pa rin sila.

Anyway, ang kuwento nga ay may pinagagawang beach house ang actor doon na nung minsan nga ay binisita nilang magkasama.

vuukle comment

ANDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with