^

Pang Movies

Kris babayaran daw ng saku-sakong barya ng siniraang produ!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ewan namin over the Holy Week kung natuloy nga ang balak ng producer ng TV show ni Kris Aquino, na wala sa sariling nabalasubas niya, na bayaran siya ng barya. Sa tindi raw kasi ng sama ng loob ng producer na nagtapon ng milyong piso, na hindi naman nakabawi dahil nalugi sa pagpapalabas ng kanyang show, na bagsak naman ang ratings, tapos nga natarayan at nabalasubas pa, ang ibabayad nila kay Kris ay coins. Kung ano ang nasa kontrata, iyon din naman ang halaga kaya lang saku-sakong coins iyon na kailangan niyang buhatin.

Ano kaya ang magiging hitsura ni Kris habang may batak-batak na isang sakong barya?

Marami pa kaming narinig na kuwento tungkol diyan sa special na iyan. Marami raw talagang naging problema iyan, May isa pa ngang staff, na actually dati ring production staff ni Kris noon sa ABS-CBN, ang nagsabi sa aming kawawa raw ang producer ng special. Kasi may isang araw na arkilado na nila ang dalawang helicopter, tapos biglang kinansela ni Kris ang taping. Iyon siguro ang may pinakamalaking gastos, pero marami pa raw naging mga problema sa set niyan.

Ang tantya pa ng staff, “siguro inabot ng 20 million ang gastos diyan”. Aba kung ginamit na lang nila iyon sa indie film, nakatapos na sila ng anim at baka mas kumita pa sila.

Pero nagtaka rin kami doon sa mga production staff na dati naman kay Kris, kung bakit nagkukuwento sila ng ganoon. Hindi ba sinasabi nga ni Kris na nami-miss niya sila? “Kami, hindi namin siya nami-miss,” sagot sa amin ng staff.

Marami na kasing pagkakataon na kung anu-ano ang nasasabi ni Kris na pinagsisisihan din naman niya at nakasira sa kanya pagkatapos. Kagaya na nga lang noon sinabi niya on national television na nahawahan siya ng “sakit” ni Joey Marquez. Marami siyang nasasabing mali, na pagsisihan man niya later on, nasabi na niya. “Blame her oligarch background,” sabi ng isang kakilala namin. Pero sa totoo lang, marami rin naman kaming kakilalang mula sa oligarkiya na hindi ganyan. Hindi naman maaaring lahatin.

AiAi sa simbahan ang kasal

Eh ano ang bago kung naging engaged na nga si AiAi dela Alas sa boyfriend niya? Bakit nga ba kailangan pa iyong pagtakhan kung nangyari ng Miyerkules Santo? Hindi ba matagal na rin naman ang kanilang relasyon? Hindi man sinasabing engaged, hindi ba may panahong nabalitang halos live in na rin naman silang dalawa? Mukhang wala namang objections ang pamilya nila. Wala namang masasabing impediment sa pagpapakasal dahil nag-divorce na naman si AiAi doon kay Jed Salang. Hindi rin naman kinikilala rito ang kasal nila ni Jed sa Las Vegas.

Pero ang tanong kung engaged, pakakasal na ba sila? Saan sila pakakasal? Mukhang nakalimutan na agad pero iyang si AiAi ay isang “condecorado” at dapat sana kung siya ay magpapakasal, sa simbahan iyon. Pero nasa kanila na iyan.

Female TV host naglustay ng libu-libo sa type na lalaki!

Tawa kami nang tawa, kasi iyong isang comedian, niregaluhan daw ng mamahaling shoes ng isang female TV host na nababaliw sa kanya, dahil ang tatak daw ng shoes kapareho ng initials niya. Pero last week, niregaluhan ng female TV host ng isang Rolex tricolor ang isang poging male fashion at commercial model, na nakilala niya sa isang party. Bakit naman Rolex?

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with