^

Pang Movies

Bulaklak ni Marian ibebenta na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Balik-TV si Ms. Helen Gamboa sa The Good Teacher, ang bagong tele­serye ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.  Tulad ng sabi ni Marian, after Holy Week ay sunud-sunod na raw ang kanyang trabaho, at mauuna nga sa Tuesday, April 18, ang story conference ng bagong teleserye at malalaman doon kung sinu-sino pa ang makakasama niya. 

Kasama si Marian sa pagbuo ng story dahil ayon sa concept niya, para sa mga bata ang story nila. Nagbigay siya ng kanyang inputs.

Kasunod na nga rito ang paglo-launch niya ng kanyang Flora Vida by Marian.  At ilo-launch na rin ang fantasy series na Daig Ka Ng Lola Ko to be hosted by Ms. Gloria Romero at special guest si Marian sa pilot episode nila, sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Julie Anne ayaw pag-usapan ang relasyon nila ni Benjamin

Thankful si Julie Anne San Jose sa GMA 7 na binigyan siya ng chance na makasama sa afternoon prime drama series na Pi­nulot Ka Lang Sa Lupa at feeling fulfilled daw siya kahit magwawakas na ngayong Wedenesday ang serye na dinirek ni Ms. Gina Alajar.

“Lahat po kami very in to our characters and I got good support with my co-actors.” sabi ni Julie. “Magaan po ang trabaho and I really want to work with them, na-feel ko po ang buong eksena. Magandang experience tala­ga sa akin. Kapag masyado pong in­tense ang eksena nadadala ko sa bahay, napapanaginipan ko pa kung minsan. Kaya po tama ang sabi ni Direk Gina, after the take, kailangang mag-snap-out agad sa character.”

Mami-miss daw niya nang husto si Direk Gina dahil hindi sila nakalilimot magdasal muna sa set bago magsimula ang work, lalo pa kung long day ang tra­baho nila, na madalas ay mga crying scene pa. 

Mami-miss din daw niya sina Ms. Jean Garcia, LJ Reyes, Victor Neri, Allan Paule at siyempre pa, ang leading man niya si Benjamin Alves.  Biro sa kanya, hindi raw niya tiyak mami-miss si Benj, dahil lagi rin naman silang magkasama, off-camera.

“Hindi po kami magkasama sa Good Friday, kasi uuwi kami ng family ko sa amin sa Subic.  Panata na namin ng buong family, nagsi-serve sa church namin doon at kumakanta ako sa Five Wounds of Jesus. Five years na po naming ginagawa iyon. Last year, kasama ko roon sina Karylle and her husband Yael. Minsan ko na ring nakasama roon si Lauren Young, na taga-Subic din.  Si Benj, mayroon din siyang service sa kanilang church.”

Ngayon, kahit hindi pa man sila umaamin ni Benj kahit feel mong sila na, natanong si Julie, paano iyon magkaiba ang church nila?

“Huwag po nating pag-usapan iyon, what’s important, nagkakaintindihan kami. Happy ako na na-meet ko na ang brother niya and his family sa Pampanga. Na-meet na ni Benj nang personal ang family ko.”

After ng drama series ni Julie, magpu-focus muna siya muli sa kanyang music at biro niya kung may soap ulit, hindi naman sana iyakan muli. Sa July, magkakaroon daw ng special show ang Sunday PinaSaya sa Singapore.

Mamayang hapon, after ng Legally Blind mapapanood ang final episode ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

vuukle comment

HELEN GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with